Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echo, ang galing-galing umarte (ABNKKBSNPLAko, buhay estudyante ang tema)

ni Reggee Bonoan

Naaliw kami sa pelikulang ABNKKBSNPLAko dahil naalaala namin noong kami ay nasa elementarya at hay-iskul lalo na sa mga kalokohan nina Jericho Rosales bilang si Roberto ‘Bob’ Ong, Meg Imperial, at Vandolph Quizon na katulad din ng ginawa namin noon na mahilig ding mam-bully at maglakwatsa, bukod pa sa nahuli rin kaming natutulog o kaya ay dumadaldal pa sa klase kaya naman laging ipinatatawag ang magulang namin sa Principal’s office.

Ang pagkaka-iba lang ay matino na kami noong hay-iskul dahil halos lahat ng kaklase namin ay mahilig mag-aral kaya naman parating inilalaban sa kontes ang klase namin na parati namang number one.

Natatawa naman kami sa eksenang kunwari ay gagawa ng assignment sina Echo at Meg, ‘yun pala manonood muna sila ng sine dahil ginawa rin namin iyon at ang pinanood namin ay Saturday Night Fever (1977) at Grease (1978).

Ang galing-galing talagang umarte ni Echo lalo na noong halikan siya ng kanyang special someone niyang si Andi na kamukha ng nanay niyang si Jaclyn Jose.

Ang galing ng facial expression ni Echo habang kinikilig noong halikan siya ni Andi, ha, ha, ha.

Okay din si Meg bilang binasted siya ng crush niyang si Echo kaya nagpaka-tibo na lang siya at kaliwa’t kanan ang dyowang babae.

Natuwa rin kami kay Vandolph na walang ginawa kundi mag-work out pero hindi naman nababawasan ng taba dahil panay naman ang kain ng isang galong ice cream.

Buhay estudyante ang tema ng ABNKKBSNAPLAko kaya’t makaka-relate ito sa mga mag-aaral at panoorin nila ito para may matutuhan din sila tulad noong tumuntong na si Bob Ong sa kolehiyo na tila hindi pa siya handa kaya’t dalawang taon siyang nagloko.

Ilang taon muna ang pinalipas ni Bob Ong bago siya nakatapos ng pag-aaral at naging guro sa eskuwelahang pinag-gradweytan niya ng hay-iskul.

At ang ganda ng soundtrack ng ABNKKBSNAPLAko at tiyak na mahal ang pagkakabili rito ng Viva Films na bumagay talaga sa pelikulang idinirehe ni Mark Meily.

Bukod kina Echo, Meg, Vandolp, at Andi ay kasama rin sina Bing Pimentel, Julio Diaz, Giselle Sanchez, Jake Castillo, Gino Padilla at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …