Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

51.9-M Yen kompiskado sa Japanese

022014 boc yen

51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA  District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code of the Phillippines kaugnay ng hindi pagdedeklara ng dalang pera na sobra sa pinahihintulutan ng bansa.                                                   (BONG SON)

PINIGIL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pasaherong Japanese national makaraang makompiskahan ng malaking halaga ng Japanese Yen na hindi niya idineklara.

Ayon kay Bureau of Customs District III Collector Edgar Macabeo, dumating sa NAIA nitong Martes ng gabi si Yoshiaki Takahashi, 50, negosyante ng Tokyo, lulan ng Japan Airlines flight 745 na may dalang 51.9 milyon yen.

Nabatid na si Takahashi ay lango sa alak nang makompiska ang kanyang pera sa lane ni Customs examiner Ninia P. Beltran.

Paliwanag ni Takahashi sa Customs, hindi niya alam na mandatory na ideklara ang dalang malaking halaga pagdating sa Filipinas.

Sinabi ni Takahashi, nagdala siya ng pera sa bansa para magtayo ng negosyo.

Ayon kay Macabeo, hindi illegal ang magdala ng malaking halaga ng currency sa Filipinas kung ito ay idedeklara pagtuntong ng banyaga sa NAIA.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Central Bank regulations at Philippines tariff code sa Pasay City Prosecutors Office si Takahashi.

(JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …