Monday , December 23 2024

Pope Francis tumanggi sa head of state privileges

PATULOY ang pagiging simple at kababaan ng loob ng binansagang modernong Santo Papa ng mundo.

Ito’y matapos piliin ni Pope Francis na i-renew ang kanyang Argentine passport at national identity card.

Sa kabila ng pagkakaroon niya ng Vatican passport na nagbibigay sa kanya ng pribilehiyo para sa isang head of state.

Sa pahayag ni Argentine ambassador to the Holy See Juan Pablo Cafiero, pinili ng Santo Papa na huwag gamitin ang pribilehiyo at nagpilit pang personal na magbayad ng kanyang passport at national identity card.

Ang Vatican envoy mula Argentina ang nag-asikaso ng renewal process ni Pope Francis sa isang hotel sa Italy na ini-scan ang fingerprints at kinunan ng pirma ang Santo Papa.

Ibig sabihin, nais ng Santo Papa na bumiyahe sa mga bansa bilang isang regular na Argentine citizen.

Lubos na ikinagalak at ipinagmalaki ni Argentine Interior Minister Florencio Randazzo ang pagre-renew ng pasaporte ng Santo Papa.

Awtomatiko ang Vatican citizenship sa sinumang naluluklok na Santo Papa.

“Francis specifically asked not to enjoy any privileges so his new identification card and passport have been processed through the usual administrative channels,” pahayag ni Randazzo.                    (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *