ni Roldan Castro
PINAG-UUSAPAN ng press ang box office success ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.
Dapat daw magpasalamat si Piolo kay Toni dahil ngayon lang nakabalik ang appeal niya sa takilya after na maghiwalay sila ng kanyang ka-love team na si Judy Ann Santos. Wala pang pelikula si Toni na sumadsad talaga sa takilya kaya lucky charm talaga siya ni Piolo.
Pero hindi lang si Toni ang dapat pasalamatan ni Papa P kundi maging si Olivia Lamasan. Maganda ang pagkakadirehe niya at materyales.
Basta ngayon, ahon na ahon ang movie career ni Piolo ‘no?! Nakabawi siya ng bonggang-bongga na walang tulong si Juday.
Annaliza, ‘di pa mawawala sa ere
MARAMI ang nagluluksa sa pagkamatay ng karakter ni Patrick Garcia bilang si Lazaro Benedicto sa Ananaliza. Siya ang gumaganap na ama ni Andrea Brillantes (Annaliza) sa nasabing serye.
Ang tanong ng bayan ay kung nalalapit na ba ang ending ng Annaliza? Wala pang announcement lalo’t patuloy na mataas ang ratings nito.
Noong Wednesday night ay nagbigay na naman siya ng panibagong all time high ratings na 27.8 at number 3 sa top 20 programs nationwide base sa Kantar Media.
Marami pang pasabog at mangyayari sa pambungad na primetime show ng ABS-CBN 2.
Aljur at Kylie, magsososyo sa negosyo
TALAGA namang iniingatan ni Aljur Abrenica si Kylie Padilla at ayaw niyang masaktan gaya ng pangako niya kay Robin Padilla.
Iniiwasan niya talaga ang tukso bago pa raw siya mahulog sa kumunoy at mawala si Kylie sa kanya.
Mas nag-mature na nga raw sila at gusto nilang maging magandang example ang relasyon nilang dalawa.
Plano na rin ng dalawa ng pumasok sa negosyo at maging magkasosyo.
Advice kasi ni Binoe na dapat ay may fall-back sila ‘pag hindi na sila aktibo sa showbiz.
Kasuwerte naman nitong si Kylie, happy na ang lovelife, bongga pa ang serye niya sa GMA 7. Matuk mo lampas na sa one season ang serye niya.
Panalo!
Jackie, ‘di raw liberated
LIBERATED ang tingin kay Jackie Rice pero never pa niyang ginawa ‘yung mag-invite sa bahay niya ng ibang lalaki at magdala ng foods.
“Kasi ako naman, in fairness naman sa bahay ko, never pa akong naka-invite ng, maliban sa boyfriend ko, ha? Hindi kasi ako touchy sa lalaki, eh. Never pa pong may nakapunta na ano, maliban sa boyfriend ko, ‘yung boyfriend ko po nagpupunta sa bahay pero maliban doon, ‘yung mga barkada, parang ang pangit kasing tingnan na mag-i-invite ako ng lalaki, kahit barkada hindi, eh.
“Kasi may boyfriend akong tao. Kung wala man akong boyfriend, magkita na lang kami sa labas, manood na lang kami ng sine o mag-coffee na lang kami, ‘yung ganoon. Hindi sa bahay kasi sa bahay ko, parang doon ‘yung privacy ko rin, ‘yung parang kahit kaibigan kita, hanggang sa baba ka lang hindi ka makaaakyat sa ano ko, ganoon, oo. Totoo ‘yan, walang ano.Para alam niyang hanggang doon lang tayo, magkaibigan tayo, pero hindi mo puwedeng pasukin ‘yung loob ng bahay ko, parang ganoon,” bulalas niya.
May rebelasyon pa nga siya na hindi siya sanay na maging center of attraction.
“Hindi ako ‘yung taong ganoon. Kaya ‘di ba rati parang laman ako rati lagi everyday ng tabloids, parang na-trauma rin ako.Ayoko na rati mag-artista. Hindi ko kinakaya ‘pag ganoon.
“Nag-a-absent pa ako rati sa school ‘pag ako yung magli-lead ng prayer, kasi nahihiya ako, mahiyain ako, eh,” sambit pa niya.
Ganoon ba?