Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatapos ng Got To Believe, inalmahan ng fans (Shooting ng She’s dating the Gangster, sisimulan na)

 ni  Reggee Bonoan

NAGTATALO-TALO ang supporters ng KathNiel sa social media dahil ayaw nilang magbabu na sa ere ang Got To Believe sa Marso 7, Biyernes.

Pero may mga supporter naman sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakaiintindi na kailangan na talagang tapusin ang Got To Believe dahil may gagawing pelikula ang dalawa at paano nga naman daw ito magagawa kung nagte-taping sila.

Ayon sa ibang supporters, “reason kung bakit hindi na mae-extend ang ‘G2B’, let’s be happy na lang para sa kanila dahil marami silang blessings.

Ang unang dahilan daw ay, “sa March magsisimula na ang shooting ng pelikulang ‘She’s dating the Gangster’ na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina. Mahirap mag-direk ng teleserye at pelikula at the same time with the same cast, sige nga isipin ninyo?

Pangalawa, “sa Paris (France) ang location ng ‘She’s Dating the Gangster’, so isipin natin (supporters), paano makakapag-taping ng ‘Got To Believe’ kung nasa Paris sila?

Pangatlo, “by April, may Europe tour si DJ with Yeng Constantino, halos nasa Europe siya half-of-the month at April din ang second concert niya sa Araneta Coliseum. Habang nagre-rehearsal siya ay nagso-shooting  ng ‘She’s Dating the Gangster’.  Kung isisingit pa ang taping, eh, baka maging zombie na sila.

At ang pang-apat, “kung 3 – 4 months ang shooting ng  ’She’s Dating the Gangster’, probably, mga June – August ang showing ng movie, pagkatapos ay magso-shoot ulit sila ng movie for MMFF, ‘yung ‘Magic Temple.’. Kaya isipin natin na hindi na talaga kakayanin pang i-extend ang ‘G2B’.

Oo nga, paano nga naman pagsasabayin nina DJ ay Kath ang shootings at tapings.  At least level headed naman pala ang supporters nila at paying fans sila, ateng Maricris dahil balita namin ay susunod din ng Paris ‘yung iba, kaloka ‘yun ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …