Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-inang karnaper itinumba ng tandem

PATAY noon din ang pinakabatang karnaper, kasama ang kanyang ina, makaraang tambangan ng riding in-tandem pag-kagaling sa court hearing, Quezon City Justice Hall kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) District Director, ni Chief Insp. Rodel Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kompirmadong napatay ang mag-inang sina Jasmine Reyes, at anak na si Mark Joseph, 19, kapwa miyembro ng “Mark Lester Reyes” carjacking/carnapping  group pinamumunuan ni Mark Lester, asawa ni Jasmine, ama ni Mark Joseph.

Ang mag-inang Reyes ay naaresto ng QCPD noong 2011 sa kasong carnapping pero ang amang si Mark Lester ay nakatakas.

Si Mark Joseph, nang madakip ay 16 anyos lamang noon habang si Jasmine, ay nakapagpiyansa  sa kasong isinampa laban sa kanila.

Ayon kay Albano, ang mag-inang Reyes ay positibong kinilala ng mga kaanak.

Bago ang pananambang sa kanto ng Elliptical Road at  Visayas Ave-nue, dakong 11:30 am, sumakay sa taxi ang mga biktima sa harap ng Hall of Justice Complex sa city hall, pagkatapos ng hearing sa kasong carnapping.

Ayon sa saksing si Jun Gobis, driver ng Valentino Taxi (UVC-167), sinakyan ng mga biktima, sumakay ang mag-ina sa kanya kasama ang isa pang hindi kilalang babae at nagpahatid sa Monumento.

Pagdating sa Kalayaan Avenue, bumaba ang babaeng nasa front seat at sinabihan ang mga biktima na magkita na lang sila sa Monumento.

Pero ayon sa taxi dri-ver, bago bumaba ang babae ay may kausap sa kanyang cell phone.

Pagdating nila sa kanto ng Visayas Ave., su-mulpot ang dalawang suspek na nakasuot ng helmet lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang mag-ina.

Agad tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungong North Avenue.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …