Friday , November 15 2024

FEU, Adamson maghaharap ngayon sa volleyball

ANG huling puwesto sa stepladder semifinals ay nakataya ngayon sa playoff ng Far Eastern University at Adamson University sa women’s volleyball ng UAAP Season 76 sa The Arena sa San Juan.

Maghaharap ang Lady Tamaraws at Lady Falcons sa alas-4 ng hapon pagkatapos na magtabla ang dalawang pamantasan sa parehong kartang anim na panalo at walong talo sa pagtatapos ng eliminations.

Parehong natalo ang FEU at Adamson kontra Ateneo at University of Santo Tomas noong Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod.

Ang mananalo ngayon ay haharap sa Lady Eagles sa isa pang knockout game sa Sabado kung saan ang mananalo rito ay makakalaban ng  National University sa huling stepladder.

Hawak ng Lady Bulldogs ang twice-to-beat na bentahe.

Nakapasok kaagad sa finals ang De La Salle University pagkatapos na walisin ng Lady Spikers ang lahat ng 14 nilang laro sa eliminations at kailangan nila ng dalawang panalo upang mapanatili ang kanilang titulo.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *