MEDYO nalito kami ng nakaraang Valentine’s Day, not because our feeling had anything to do with our lovelife, kung mayroon man.
Nalito in the sense na ang kasong sangkot sina Vhong Navarro, Deniece Cornejo,Cedric Lee et al ay nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagdinig ang naganap noong February 14.
To our limited legal understanding, itinakda ng DOJ ang preliminary investigation ng kaso sa nasabing petsa, pero nagpasabi na si Vhong—who proceeded to the department to submit his sworn and signed supplemental affidavit noong February 6 pagkalabas ng St. Luke’s Hospital—na hindi siya makadadalo sa February 14.
Vhong cited his unpreparedness to face his alleged assailants. Pero noong Araw ng Mga Puso, the public was as if treated to two legal exercises on split screen.
For resolution na kasi ang kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong sa Branch 69 ng Taguig City Metropolitan Trial Court with her lawyer Atty. Howard Callejain tow. Pero sa kasamaang palad, ang inihaing Temporary Protection Order (TPO) ng kampo ni Deniece ay ibinasura ng korte.
Simultaneously, nasa DOJ naman ang isa pang abogado nina Deniece at Cedric, siAtty. Arleo Magtibay. Doon siya binigyan ng kopya ng NBI ng supplemental affidavit ni Vhong, at maging ang panibagong CCTV footage which the agency furnished the prosecuting panel.
Matatandaang sa pulisya sa Taguig City ipina-blotter ni Deniece si Vhong for attempted rape noong gabi ring bugbugin ni Cedric at ng mga cohort nito ang actor, only to elevate the case to consummated rape although ang eklat noon ng hitad ay hindi na niya idedemanda si Vhong.
Does it appear na mas nagtitiwala ang kampo ni Deniece sa korteng sumasakop sa Taguig City na isa lang LGU (local government unit) more the justice department, na tila ang pananampalataya ay mas kumikiling sa testimonya ni Vhong?
May katwiran ang agam-agam ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong, sa ‘di pagsipot ni Deniece sa DOJ who chose to show up at the Taguig court. Maging si Cedric at ang mga kasamahan nitong bumugbog kay Vhong ay eklat din to justify their no-show.
Ani Mallonga, sinasadya umanong iantala ng kampo ni Deniece ang hearing sa DOJ sa kabila ng naiprisinta na nilang mga ebidensiya to establish the respondents’ guilt sa kanilang ginawa.
Naku, eto namang si Atty. Raymond Fortun na isa pa man ding kagalang-galang na manananggol, nakabalandra na’t lahat sa tungki ng kanyang ilong ang panibagong CCTV footage ng grupong sangkot at ang paggawad ng halik ni Cedric kay Deniece sa loob ng elevator ng condo, “non-issue” raw ‘yon?
Hay, talagang digmaan na lang talaga ito ng mga mahuhusay na bar passers sa korte, but this early, we can surmise na “may tulog” ang mga abogado ng mga akusado.
Sweet dreams.
Jericho, suportado ang lovelife ni Heart
NOONG nakaraang linggo, nagsimulang magrigodon ang mga programa sa Night Shift block sa GMA. Ang nakasanayan naming panoorin tuwing Miyerkoles ng gabi ay nahalinhan na ng Powerhouse hosted by Kara David.
Sa unang sultada nito, ang feature story ay tungkol kay Heart Evangelista na mala-A Day in the Life, na interspersed with the interviews sa mismong bahay ng TV host-actress ay sinamahan siya ng programa sa kanyang dalawang araw na trabaho.
What added crisp to the episode was the presence of Heart’s dyowa, si Senator Chiz Escudero, who showed up at his girlfriend’s abode.
Pero hindi ‘yon ang nakapukaw ng aming atensiyon. Nakaagaw kasi ang portion buy ng isang kilalang men’s facial wash na dalawang beses ikinarga ang patalastas nito.
At ang endorser lang naman ng produktong ‘yon ay si Jerico Rosales, dating nobyo ni Heart.
ni Ronnie Carrasco III