Monday , December 23 2024

Bagman namunini na naman sa Metro Manila (Sa panahon ni PNP-NCRPO Chief, Gen. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin JSY

HILONG talilong daw ang mga ilegalista sa Metro Manila dahil sa sandamakmak na ‘BAGMAN’ ang orbit nang orbit.

Maya’t maya ay mayroong nagpapakilalang sila ang BAGMAN o KOLEKTONG ng PNP-NCRPO.

Gaya na lang ng isang KUPITAN ‘este’ KAPITAN. Hindi umano maintindihan kung kapitan ng barko o kapitan ng pulis ang isang nagngangalang PAGA-DOR-AN alias BOY SAKRA.

Si PAGADOR-AN umano ang nagpapaikot sa lahat ng sugalan (1602), ilegalista  at club sa Metro Manila kina alias DYEK IRINKO, ALAN ASPILETA, JOJO KRUS, TATA BONG ‘MPD’ KRUS at RAY DILA KRUS para raw sa opisina ni NCRPO General Carmelo Valmoria.

Kaya huwag na tayong magtaka kung namumunini ang 1602 sa Metro Manila.

Sonabagan!!!

Gen. Valmoria, alam mo ba noong panahon ni Gen. Marcelo Garbo sa NCRPO, walang lumutang na bagman ng Bicutan … akala natin ‘e natapos na ‘yang mga ‘BAGMAN’ sa NCRPO.

‘E bakit ngayon, paraang umuulan ng BAGMAN gamit ang NCRPO?!

Aba Gen. Valmoria, anong nangyayari sa area of responsibility mo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *