Friday , November 15 2024

Ang kalsada ay para sa mga sasakyan

KUNG ang kalsada ay para sa mga sasakyan, ang bangketa naman ay para sa mga naglalakad.

Napakaganda at napakaayos sana ng ganito kung nasusunod lamang.

Kaso, dito sa Metro Manila, ang kalsada at bangketa ay hindi na para sa mga sasakyan kundi pag-aari narin ng ve ndors.

Maging ang mga footbridge at underpass na ginawa para sa ligtas na tawiran ng mga tao ay puno narin ng vendors.

Sa Maynila lamang, ang mga footbridge at underpass ay higit kalahati ng daan sakop ng vendors na nagagalit pa kapag nasagi o naapakan ang kanilang paninda. Ang bangketa sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz ay hindi narin madaanan dahil puro vendors. Ang sasagwa pa ng mga itinitinda – sex toys at pirated porno DVDs!

Ganundin sa Quezon City at Pasay City, ang footbridges ay puno ng vendors.

Sinu-sino naman ang kumikita sa ganitong uri ng vendors? Walang iba kundi pulis at mga taga-city hall!

Oo, kung hindi papayagan ng administrasyon ng bawat lungsod ang informal vendors ay siguradong maluwag ang mga bangketa sa Metro Manila. Maayos at malinis tingnan. Walang kotong ang mga pulis!

Bakit hindi maglagay ng isang lugar para sa vendors, kungsaan doon magsasadya ang mga mamimili. Kikita pa ng maayos ang vendors at hindi nakakaistorbo sa commuters at motorista. Gawin natin ito para sa maayos na kalunsuran.

Simulan sana ito ng administrasyon ng Maynila. Maging model sana tayo, City Admin. Atty. Semion Garcia, Sir! Let’s do it!

Napakaraming snatchers at

mandurukot sa Recto (Manila)

– Mr. Venancio, may puwesto ako rito sa kanto ng C.M. Recto at Rizal Avenue, andaming mandurukot at snatchers dito. Mula umaga hanggang gabi ay nakikita ko sila. Kawawa ang mga nabibiktima nila, laluna mga estudyante, na naaagawan nila ng celfone at bag, nag-iiyak nalang. Pag nahuli sila ng pulis, mamaya lang labas na, nandudukot at nang-isnatch na naman. Dapat pinapatay nalang ang mga ito e. Sabi, alaga rin ng mga pulis ang snatchers at mandurukot dito. Kaya pag nahuli ay nakalalabas agad. Pakitang-tao lang ang paghuli sa kanila. Nananawagan ako sa mga dumadaan dito sa Recto-Avenida na hawakan mabuti ang kanilang bag at itagong mabuti ang kanilang celfone dahil tiyak na titirahin ito ng snatchers at mandurukot. Salamat Mr. Venancio, sana nakatulong ako sa pagbibigay ng babala sa ating mga kababayan. Huwag nyo nalang po ilagay ang numero ko. – Concerned vendor

Lagayan para makapasok

ng sundalo sa CDO

– Mr. Venancio, parating nyo po sa pamunuan ng AFP na dito sa CDO 4division nagbalik naman ang panahon ni Barbito na bayaran naman para makapasok ka sundalo. Paano kung wala kang pera at gusto mo magsundalo? Ang lapitan daw dyan na bayaran ay si Capt. U. Dati may kaso na yan sa logging sa Surigao tapos naupo sa mataas na puwesto sa 4ID. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. Isa lang ako sa mga naaawa sa mga nag-aaplay. Kasi may kilala ako nag-aaplay sa 4ID.

Paging AFP Chief, pakiimbestigahan ang ulat na ito.

Shabuhan malapit

sa bahay ng tserman

– Mr. Venancio, paki-tulungan nyo po sana kami. Dito po sa 1317 Mayhaligue St. (Manila), katabi lang po ng bahay ng aming tserman ang shabuhan. Pero hindi niya inaaksiyunan. Kawawa po ang mga bata rito, baka matoto gumamit ng shabu. Help naman. – 0927884…

Sobrang talamak na

ang shabu sa Isla Puting Bato (Parola, Tondo)

– Mr. Venancio, isa po ako na concerned college student at mambabasa ng column nyo. Dito po sa Isla Puting Bato (Parola, Tondo, Manila), grabe na po ka-talamak ang bentahan ng droga. Wala nang pinipili mapa-bata man o matanda gumagamit na lalo na mga video karera at fruit games kalat na po. Kaya walang naglalakas loob na magsumbong sa mga nangyari sa lugar namin baka  kasi sila mapagbuntunan at madamay pa ang pamilya nila. Paki-manmanan naman po lugar namin. Nakakataot na pag-uuwi ng gabi e. Wag nyo po ipablis numero ko. – Concerned citizen

Totoo ito. Talagang grabe na ang droga sa Isla Puting Bato. Kapag pumasok ka rito at bago ang mukha, akalaing asset ng pulis, masuwerteng makalabas ka pa ng buhay. Sakop ito ng PCP Delpan-MPD PS2. Pero hindi basta pumapasok ang mga pulis dito dahil lumalaban ng barilan ang mga tulak dito. Ang kailangang pumasok sa lugar na ito ay batalyon ng sundalo para maitaboy ang mga tulak dito.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *