Tuluyang nawasak at nagiba ang alyansang Erap-Binay ng oposisyon ilang araw bago humarap sa Senate Ethics Committee hearing ang pinakahuling testigo ng Department of Justice (DOJ) na si Ruby Tuason.
Si Tuason na co-accused sa plunder case na isinampa ng pamahalaan laban kay 10B PDAP scammastermind Janet Lim Napoles at sa tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla atJinggoy Estrada ay nagbalik na Pilipinas at nagpahayg ng kanyang kahandaang magsabi ng lahat ng katotohanan patungkol sa PDAF scandal.
Agad namang isinailalim sa temporary at conditional witness protection program si Tuazon ng DOJ.
Bago ang nasabing pagdinig ng Senado, lu-mabas na sa mga pahayagan ang sworn statement ni Tuazon laban kina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile. Inamin nito sa kanyang affidavit na nagsilbing “go between guy” siya (Tuazon) sa illegal transactions nina Estrada at Enrile sa mga pekeng NGO’s ni Napoles na ginamitan ng PDAF funds.
Sa kabilang banda, habang pinagpipiyesta-han ng media at ng taongbayan ang iskandalo nina Estrada,Enrile at Revilla, tila nagkaroon ng malaking twist sa dating master plan ng oposisyon partikular ng grupong UNA para sa 2016 presidential elections.
Ang UNA na isang umbrella ng mga partido pulitikal na identified sa opposition bloc ang itinuturing pinakamalaki at pinakamalakas na opposition force kontra sa ruling party na LP.
Ayon sa ating mga sources, hindi na ma-tutuloy ang Jejomar Binay-Jinggoy Estrada tandem para sa nalalapit 2016 elections.
Hindi na umano ito katangap-tangap dahil na rin sa matinding iskandalong kinasangkutan ni Senator Jinggoy Estrada. Mismong si Vice President Binay umano ang nagbigay ng apprehensions sa sana’y Binay-Estrada tandem na ikinasama ng loob ni dating Pangulong Erap Estrada na obvious na isinusulong ang kandidatura ng anak na si Jinggoy para sa vice presidential race.
Ayon pa sa ating mga insider sources, isa sa ikinukunsiderang running mate ni Binay ngaon ay si Senator Chiz Escudero ng Nationalists People’s Coalition (NPC) na nauna nang nakipag-alyansa nitong nagdaang halalan sa grupo ni PNoy at ng Liberal Party.
Matatandaang si Escudero ang nagsulong ng NOY-BI Movement noong 2007 presidential elections kung saan inindorso nito si Pangulong Aquino sa presidential race habang si Binay naman sa vice presidential derby. Kapwa nanalo si Aquino at Binay na nagpatatag sa drawing power ni Escudero pagdating sa karisma sa tao.
Going back sa mga naging testimonya ni Ruby Tuazon sa Senado na tinaguriang “slum dunk evidence” ni DOJ Sec. Laila De Lima, sinabi naman ni Senator Miriam Defensor Santiago na para sa kanya, isang itong “3-point” shot evidence” coming from an eye witness herself Ruby Tuazon.
Ayon kay Miriam, mahirap umanong pasubalian at pasinungalingan nina Estrada at Enrile ang mga sinabi at ibinulgar ni Tuason dahil ito’y personal account ng testigo bilang siya mismong tagapaghatid ng milyong pisong kickback mula sa PDAF funds na 2 senador.
Sa tatlong mga senador na sangkot sa plunder case na ito patungkol sa PDAF scam sina Estrada atRevilla ang masasabing na-damage nang husto at tuluyang nawasak ang political careers at ambitons.
Sa kaso ni Enrile, masasabing pagpapaalam na ng mambabatas mula Cagayan sa mahigit limang dekadang paninilbihan sa government service at sa kanyang colorful and controversial political career. At 90 years old (happy birthday senator ) February 14,panahon na upang magretiro ang most trusted man at matalik na kaibigan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa kaso ng United Nationists Alliance (UNA), umpisa na rin ito ng pag-overhaul sa mga naunang planong nadiskaril dahil sa pagkakasangkot ng isang Estrada sa napakalaking iskandalo.
At para kay Vice Presindent Binay, hindi pagbasura o paglalaglag kay Jinggoy ang na-ging desisyon upang palitan siya bilng pangunahing contender sa vice presidential race ng partido sa 2016. Isa itong political manuever para maisalba ang oposisyon sa delubyong posibleng kaharapin nito.
***
Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2 – 3 PM, mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]
Rex Cayanong