Monday , December 23 2024

Tapos na ang relasyong Binay-Estrada!

MUKHANG natuldukan na ang relasyong VP Jojo Binay at Mayor Erap Estrada.

Malinaw kasi na hindi na nag-uusap ang dalawang lider oposisyon ng bansa at tiyak ang kasunod na nito ay ang banatan na sa media ng magkabilang panig.

Naniniwala tayong maglalabasan na ng sama ng loob ang dalawa at tiyak na kaabang-abang ito sa publiko dahil isa na namang lihim ang mabubunyag na pabor na pabor hindi lamang sa administrasyon kung hindi maging sa mamamayan.

Maliwanag na hindi lamang isyu ng Central Market ang pinagtalunan nina Erap at Binay dahil putok na putok na ang balitang tatakbong muli si Erap bilang pangulo ng bansa sa 2016.

‘Yan ang matagal na nating sinasabi sa pitak na ito dahil magmula noong pumutok ang pork barrel scam ay naglaho nang parang bula ang tambalang Binay-Jinggoy sa 2016.

Sa maikling salita, itinapon na ng kampo ni Binay si Jinggoy dahil mabaho na ang name niya sa madla kaya’t bilang isang beteranong politiko ay natural na maghanap ng taong makatutulong sa kanyang karerang politikal.

Tiyak na may mga sulsol pa sa dalawang lider na huwag nang magbati dahil personal din interes nila ang namimirati lalo’t may kanya-kanyang bata sina Estrada at Binay.

Isa lamang ang pinatunayan ng mga pangyayari at iyan ang kasabihang, walang permanenteng kaibigan sa politika kung hindi puro pansariling interes lamang ang nangingibabaw.

Marami pang kaabang-abang na balita sa kampo ng oposisyon dahil tiyak na susunod namang guguho ang pagkakaibigan ng Estrada at Enrile.

Abang-abang lang pag may time!

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *