ni Reggee Bonoan
AS of presstime ay kumabig na sa P200-M ang Starting Over Again sa loob lamang ng limang araw (Linggo), eh, paano pa ang mga susunod na araw, linggo, at buwan.Kaya ngayon ay kinukompirma na naming aabutan na ng Starting Over Again ang Girl Boy Bakla Tomboy na siyang may hawak ng number one record ngayon sa movie industry.
Dalawang linggong ipinalabas ang pelikula ni Vice Ganda noong Metro Manila Film Festival 2013 na umabot sa mahigit P400-M kasunod ng My Little Bossisngs nina Vic Sotto, Ryza Mae Dizon, at Bimby Aquino Yap na sinundan ng It Takes A Man and A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Hindi naman imposibleng kumita ng P200-M sa limang araw ang pelikula dahil 300 sinehan ang nagpapalabas ng Starting Over Again at pawang full pack nitong weekends at saksi kami sa SM North Edsa at Gateway Mall na talagang paikot ang pila ng tao para pumasok sa sinehan, hindi sa pagbabayad ng tickets, huh.
Kaya tiyak na sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual ang tatanghaling Box Office King and Queen sa 45th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation o GMMSF.
So, anong next project ngayon nina Toni at Piolo? Malaking pressure ito ngayon sa bawat isa sa kanila?
At para naman kay Vice, malaking hamon din ito sa kanya na lampasan ang kinita ng Starting Over Again kapag naungusan na siya. At magpapa-block screening daw si Vice ng Starting Over Again, isa sa mga araw na ito.