Friday , November 22 2024

Pribatisasyon ng 72 public hospitals tinuligsa ng CPP

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rehimeng Aquino sa ora-oradang pagdedesisyon na isapribado ang public hospitals sa ilalim ng tinaguriang Public-Private Partnership (PPP) program.

Ipinalabas ng CPP ang pahayag na ito isang araw makaraang ideklara ni Health Secretary Enrique Ona na ang lahat ng 72 ospital ay maaaring isailalim sa pribatisasyon at idinepensa ang pagpirma ng kontrata para sa P5.69 billion privatization ng Philippine Orthopedic Center sa Megawide Construction Corp.-World Citi Inc. consortium.

Ang Megawide-World Citi consortium ay kompanyang kinokontrol ng “big oligarch” na si Henry Sy ng SM group of companies.

“The CPP denounces the Aquino regime for fooling the public by describing the privatization of the POC as ‘modernizing health care’ in the vain hope of making it more palatable to the people.”

“The privatization of the POC and the rest of the public health system will make health care ever more inaccessible to the Filipino people,” ayon sa CPP. “It further aggravates the Philippine reactionary state’s abandonment of health care and will complete its transfer to the control of big profit-driven capitalists.”

Dagdag ng CPP, sa tinaguriang modernization program na ipatutupad sa ilalim ng 25-year build-operate-transfer scheme, magkakaroon ang malalaking kapitalista ng pagkakataon na maging pag-aari ang ospital at kikita nang malaki sa POC.

“Like investing in the construction of malls and condominiums, Henry Sy would not have entered a contract to ‘modernize’ the POC if he were not assured of huge profits,” patuloy pa ng CPP.

Ang bagong POC ay nakatakdang itayo sa loob ng National Kidney Institute compound at tatawaging Center for Bone and Joint Diseases, Trauma and Rehabilitation Medicine. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *