DEMORALISADO umano ang halos lahat ng rank and file employees ng Pasay City hall dahil umano sa patuloy na pagtatalaga ni Mayor Antonino Calixto ng mga ‘di- kwalipikadong tao sa mga sensitibong posisyon diyan sa city hall.
Halimbawa na lamang umano ay ang isang Noel “Boyet” Del Rosario at Dolly Casas ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO). Personal choice ni To-Calix si Del Rosario kahit daw WALA namang eligibility?
Bukod d’yan ginawa pa raw siyang hepe kahit “tagilid” ang appointment. Inilagay na assistant ni Boyet si Dolly Casas na siyang pumipirma sa legal papers tulad ng business permits at licenses.
Pero huwag ka, peke umano ang CSC eligibility na sinisita ngayon ng rank and file employees ng Pasay City. Hindi lamang si Casas ang nasisilip ngayon kundi maging si Professor Iris Lenore S. Ostrea na itinalaga at personal choice din ni Mayor Calixto bilang Presidente ng Unibersidad ng Pasay.
Peke rin umano ang CSC eligibility nito.
Mamamayan ng lungsod ang dehado at agrabiyado sa sistemang ito ni Calixto sa pagtatalaga ng mga hindi kwalipikadong opisyal sa lokal na pamahalaan bukod pa sa nagdudulot ito ng demoralisasyon sa hanay ng lehitimong public servants.
Bakit sobrang, lalakas ng loob ng mga tinaguriang Calixto boys na magka-position sa city hall kung kwestiyonable naman ang kanilang CSC eligibility?
Saan sila kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob? Kay Mayor Calixto ba?
Abangan ang pagsudsod natin sa isyung ‘yan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com