Monday , December 23 2024

Plantilla position sa Pasay City Hall binalasubas na ng mga non-eligible? (Paging: Civil Service Commission)

00 Bulabugin JSY

DEMORALISADO umano ang halos lahat ng rank and file employees ng Pasay City hall dahil umano sa patuloy na pagtatalaga ni Mayor Antonino Calixto ng mga ‘di- kwalipikadong tao sa mga sensitibong posisyon diyan sa city hall.

Halimbawa na lamang umano ay ang isang Noel “Boyet” Del Rosario at Dolly Casas ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO). Personal choice ni To-Calix si Del Rosario kahit daw WALA namang eligibility?

Bukod d’yan ginawa pa raw siyang hepe kahit “tagilid” ang appointment. Inilagay na assistant ni Boyet si Dolly Casas na siyang pumipirma sa legal papers tulad ng business permits at licenses.

Pero huwag ka, peke umano ang CSC eligibility na sinisita ngayon ng rank and file employees ng Pasay City. Hindi lamang si Casas ang nasisilip ngayon kundi maging si Professor Iris Lenore S. Ostrea na itinalaga at personal choice din ni Mayor Calixto bilang Presidente ng Unibersidad ng Pasay.

Peke rin umano ang CSC eligibility nito.

Mamamayan ng lungsod ang dehado at agrabiyado sa sistemang ito ni Calixto sa pagtatalaga ng mga hindi kwalipikadong opisyal sa lokal na pamahalaan bukod pa sa nagdudulot ito ng demoralisasyon sa hanay ng lehitimong public servants.

Bakit sobrang, lalakas ng loob ng mga tinaguriang Calixto boys na magka-position sa city hall kung kwestiyonable naman ang kanilang CSC eligibility?

Saan sila kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob? Kay Mayor Calixto ba?

Abangan ang pagsudsod natin sa isyung ‘yan.

CONGRATULATIONS MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ!

MAY bago na namang bayani ang sambayanang Pinoy.

‘Yan ay sa katauhan ng 17-anyos na Filipino ice skater Michael Christian Martinez.

Congratulations Michael! You really made us proud!

Si Martinez ang kauna-unahang Filipino at unang Southeast Asian na naging kwalipikado sa Sochi Winter Games.

Nakagugulat na isang Pinoy ang lumutang sa Winter Games na ito, dahil hindi naman nagyeyelo sa bansa natin. Maliban sa ilang pribadong establisyemento na mayroong ice skating rinks kung saan nga nagsanay si Martinez.

Hindi natin masasabing tsamba ang kwalipikasyon ni Martinez sa 2014 Olympic Winter Games.

Mula pagkabata ay pinangarap na ni Martinez na isang araw ay katawanin niya ang bansa sa pamamagitan ng nasabing sports.

Lubos ang suporta ng kanyang mga magulang kaya kung saan-saan at kung kani-kanino lumapit para masustenahan ang pagsasanay ng kanilang anak.

Nagkaroon din ng isyu na hindi siya sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) pero pinasubalian ito ng Malacañang.

Siguro nga, may suporta ang gobyerno … MORAL SUPPORT nga lang…

Anyway, hindi man nanalo ay nakapasok nga sa finals si Michael at marami ang nakapansin sa kanyang galing.

Marami ang umaasa na makalalahok siya sa 2018 Winter Olympics sa South Korea.

Ang magandang abangan ngayon, ang pagbabalik sa bansa ni Michael.

Sino ang sasalubong sa kanya? Sino ang didikit at sino ang eepal nang husto?!

Tiyak ‘yan magkakaron pa ng welcome parade … hikhikhik …

Kung noong umalis si Michael ay malungkot at walang naghatid, walang pumapansin, t’yak ngayon maraming eepal at magkakagulo para siya ay salubungin.

At tiyak rin na maraming eepal ngayon sa pagbibigay ng cash incentives at parangal sa kanya di ba?

Huwag naman sanang umepal si BIR Comm. Kim Henares at buwisan pa ang perang matatanggap ni Christian.

Abangan ang susunod na kabanata.

2 NOTORIOUS FIXER STRIKES AGAIN AT BI

LAST week, may isinagawang operation ang BI -Intelligence Division sa 999 Mall sa Binondo.

Kanilang inimbitahan ang 35 undocumented and improperly documented Chinese nationals sa BI Main Office para sumailalim sa masusing imbestigasyon.

Hindi na naman nakaligtas sa matatalas na mata ng mga empleyado ng BI ang paglutang at pagiging aligaga ng notorious fixer in-tandem na sina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY!

Nakita sila na labas-pasok sa mga opisina sa main office kung saan ipinoproseso ang mga dokumento ng mga nahuling kliyente nila.

Deadma lang ang dalawang fixer in-tandem at hindi alintana ang mga mapanuring mata ng mga napapailing na empleyado ng Bureau.

Sonabagan!!!

Sabi nga ng BI employees na nakapansin sa kanilang ginagawa : “Mabuti pa raw noong panahon ni ex-commissioner Ric David Dayunyor, marunong matakot ang dalawa!” Pero ngayon, komo nasa pwesto na naman ang kanilang amigo (call-a-friend) na si Acting BI AssCom Ledesma, heto at parang mga reyna na naman sa main office kung umasta ang dalawang bruha!

Dahil sa dami raw ng mga nahuling Chinese nationals ng BI-Intel sa 999 Mall siguradong ‘quota to the max’ na naman ang dalawang bruhang fixer!

BI Comm. Fred Mison, Sir, papayag ka ba na sabihin na lang ng mga tauhan mo na parang yakang-yaka ka nina Betty Chuwawa at Anna Sey?

Bakit hindi mo ipa-monitor ang dalawang ‘yan para malaman mo kung ano ang mga raket ng mga bruhang ‘yan sa pagpapalabas ng mga hinuli ninyo.

O baka naman binubulag ka na ng mga tauhan mo Mr. Commissioner?

Tama ba Mr. Danny Almeda?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *