
NAKIPAG-PARTNER kamakailan ang international rock star na si Arnel Pineda sa Puregold Price Club Inc. sa pamamagitan ng Arnel Pineda Foundation sa isang espesyal na gift-giving event sa mga indigent communities ng Marikina City at Laguna. Bahagi ito ng adbokasiya ni Arnel na ibahagi sa mga Pinoy ang mga biyayang patuloy na natatanggap. Si Arnel mismo ay galing sa matinding hirap bago siya sumikat sa buong mundo bilang pinakabagong lead singer ng iconic na American rock band na Journey. Inawit at Inirecord ni Arnel ang opisyal na theme song ng Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) ng Puregold na pinamagatang TENkyu Po na in line sa 10th anibersaryo ng TNAP noong nakaraang taon. Naghahanda ang TNAP sa 11th installment ng taunang sari-sari store owners convention nito na naka-schedule ngayong Mayo. Binuksan din kamakailan ng Puregold ang Puregold Terraces, ang unang branch ng chain of lifestyle stores sa Fairview, Quezon City. Sosyal at maganda ang hitsura ng Puregold Terraces at very high-end ang dating ng supermarket na ito ngunit taglay pa rin ang murang-murang presyo ng items ng Puregold na siyang nagpamahal sa Puregold sa milyon-milyong mga Filipino.
Check Also
Liza Soberano nag-iingay na naman
PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …
Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …
Richard at Barbie package deal?
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …
Newbie actor sinalubong ng malaking project
MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …
Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai
MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com