Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga lolo’t lola, nasiyahan sa pa-Valentine show ni Bistek!

KITANG-KITA namin ang katuwaan sa mukha ng mga lolo at lola mula- Bistekville, Payatas, Quezon City sa inihandog na regalo ng mga supporter ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang Bistekville Valentine’s Day with Mayor Herbert Bautista.

Maganda ang Bistekville na ang mga naninirahan pala roon ay ‘yung mga na-relocate mula sa squatters sa QC. Maayos ang buhay nila roon kompara sa dati nilang tirahan. Gayunman, hindi pa rin nila kayang pumunta ng hotels or bars/niteclubs para makapanood ng Valentine show. Maliban sa mahal ang ticket, masyadong malayo at mahirap na bumiyahe.

Kaya nagtulong-tulong ang nasabing grupo para sa nasabing show. Doon ay dinala nila ang mga artist na nangharana sa mga lolo at lola gayundin sa mga iba pang naninirahan doon. Ang mga artist na pumayag for them ay sina Dulce, Jimmy Bondoc, Michael Pangilinan, Willy Jones, AJ Tamiza, at Le Chazz. Since maaga naman ang event sa Bistekville, Payatas I nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang mga artist para humabol sa mga natanguan nilang Valentine shows later in the evening.

Dumating si Mayor Herbert na namahagi ng rose sa mga lola at misis ng tahanan. Mayroon ding photobooth with Mayor Herbert at siyempre may kainan din. Hindi lamang nga lolo at lola ang nasiyahan dahil marami ring mga bagets ang dumagsa. Si Kapatid na Jobert Sucaldito naman ang naging punong abala sa nasabing libreng pa-show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …