Friday , November 15 2024

May Mayor Lim pa ba sa panahon ngayon?

Who shall separate us from the love of Christ? Shall trouble or hardship or persecution or famine or nakedness or sword? No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us. —Romans 8:35-37

MARAMI ang nagpadala ng mensahe sa atin na sumusuporta kay Mayor Alfredo Lim na anila’y dapat talagang buhayin ang Senate Bill No. 2618 o ang Anti-Pork Barrel Bill na ipinanukala noon ni Mayor Lim sa Senado.

Ito ang lulutas upang mawakasan na ang korupsyon sa loob ng kongreso. Tama si Mayor Lim ang gawain ng mga mambabatas ay magbalangkas ng batas hindi pagpondo ng mga proyekto.

Katwiran nga ni Mayor Lim:

“….While we cannot belittle the capabilities of Members of Congress to undertake similar projects, they, however, must exclusively confine themselves to law-making and all aspects involved in legislative mills.”

***

KAYA kung pinakingan lamang si Mayor Lim noong Senador siya mula 2004 hanggang 2007 na buwagin na ang pork barrel ng mga mambabatas ay hindi na sana natin nararanasan ang pagkawala ng P10 bilyon pondo mula sa gobyerno.

Kaya nadesmaya si Mayor Lim noon at tumakbong Mayor ng Maynila kahit may natitira pang tatlong taon sa kanyang termino.

‘Ika n’ya, nakaaantok sa Senado, puro lamang imbestigasyon!

***

Sabi pa ni Mayor Lim sa kanyang Senate Bill:

“….It is general consensus that pork barrel is oftentimes the source of graft and corruption since, more often than not projects are cornered for certain fees. It is even noticed that, just  to be able to get a fat chunk of the fund, there are projects  which are being done which, in the first place, should not have been so, as there other priorities to attend to.

Rather than, therefore, earmark public funds for such pork barrel, it will be economically frugal for the country to do away with it because, for the Senate alone, at P200 million for each Senator, the country needs to spend P4.8 billion and for the House at P70 million for each Representatives, the country needs P17.5 billion or a total of P22.3 billion.”

NAPAKADAKILA PANUKALA

ANG SENATE BILL NO. 2618

NAPAKADALISAY talaga ng mga ganitong uri ng politiko o tao na gaya ni Mayor Lim na ang ha-ngarin ay mapabuti at maiayos lamang ang bansa natin.

Hindi nga lamang ito nakikita ng marami at nagpapaloko pa rin sa silaw ng salapi ng ilang corrupt na politiko gaya nitong nakaraang May 2013 election.

***

KUNG ang lahat ng tao sa gobyerno ay may ganitong pag-uugali at pag-iisip na kagaya ni Ma-yor Lim, na hindi corrupt, hindi makasarili, hindi nagpapayaman sa gobyerno at palaging may malasakit sa taumbayan lalo na sa mahihirap—magiging maunlad ang ating bayan.

Bibihira na ta-yong makakita ng Mayor Lim sa gobyerno, pero uma-asa pa rin naman tayo makababalik ang isang Mayor Lim sa Maynila!

At least!

PARA KAY TEXTER 0907-8754692

NAGTEXT sa atin si 09078754692, at pinupuna ang ating sinulat ukol kay Mayor Lim. paano daw mapapirmahan at iisyuhan ni Secretary Florencio Abad ang “Certificate of Non-Receiving of PDAF” ni Mayor Lim noong Senador siya, gayong kailan lang na-appoint sa DBM si Abad.

Kung di ba naman bobo de hi-nayupak itong texter (na gumagamit ng iba’t ibang numero) at ayaw magpakilala, hindi ka nag-iisip. Hiningi ni Mayor Lim ang sertipikasyon sa DBM dahil may nakatago nang record na hindi niya tinanggap ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Ini-certify ito ni Secretary Abad!

***

KAHIT hindi pa sekretaryo ng Department of Budget and Management (DBM) si Abad noong Senador si Mayor Lim, nanatili naman ang record o mga dokumento sa DBM na siyang nagre-release ng lahat ng pondo ng gobyerno.

Si Abad ay sekretaryo ng Department of Edu-cation (DepEd) noong 2004, habang si Emelia T. Boncodin ang sekretaryo ng DBM ng panahon ni Pangulong GMA.

***

SUBALIT humingi si Mayor Lim kay Abad bilang Secretary ng DBM ngayon upang patunayan lamang na hindi niya kinuha o ginastos ang kanyang pork barrel fund noong siya ay Senador mula 2004 hanggang 2007.

Kaya maling sabihin sa dating DBM Secretary dapat humingi ng sertipikasyon si Mayor Lim?!

***

KUNG wala na ito sa DBM o sa gobyerno maaari bang mag-isyu pa ng sertipikasyon si Boncodin? Paano kung patay na gaya ni Boncodin na namatay dahil sa sakit noong Marso 2010.

Saan pupuntahan ni Mayor Lim si Boncodin? Sa sementeryo para pumirma sa sertipikasyon?

Isip-isip din kapag may time!

…AT KAY TEXTER 09226402010

ISA pang bobo de hinayupak itong si texter 0922640201 na nagsabi tayo raw ay bumaligtad at isang ex-convict.

Saan at kanino tayo bumaligtad ha? No politician can point at me na ako ay humingi ng posis-yon sa gobyerno. Puwede ba huwag ninyo akong itulad sa mga pagkatao ninyo na kaya na-ngungunyapit sa puwesto because of the po-wer and money ng nakaupo!

Kapit-tuko sa puwesto! Itanong n’yo pa kay Jesus Payad ng MBB!

***

HINDI tayo kailanman magiging ex-convict, gaya ng sinasabi ni texter 0922-6402010, dahil nakulong man tayo, hindi naman tayo nabasahan ng kaso o nahatulan ng korte.

Katunayan, pinawalang bisa ng Korte Suprema ang isinampang kaso laban sa atin dahil nakitang ito ay gawa-gawa lamang at likha ng kanilang inggit sa atin. Ang ex-convict ay mga taong convicted sa kaso, bobo!

Itanong mo pa rin kay Jesus Payad ng MBB!

MASISIPA SI FERNANDO LUGA ESTE LUGO SA DPS!

NAMEMELIGRO nang masipa si Fernando Luga esteLugo sa Department of Public Services (DPS)-District III dahil umano sa panggagamit sa pangalan ni City Administrator Si-meon Garcia sa kanyang mga “kalokohan.”

Kung si Engr. Che Borromeo ay palaging ikinakatwiran at ginagamit ang pangalan ni Pangulong Erap sa mga operasyon nila sa mga vendors, e, ito palang si Luga este Lugo ay si CT Ad Garcia ang kinakaladkad sa kanyang mga clearing operation kuno sa vendors.

Nakupooo yari ka kay CT Ad Garcia!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *