Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo Plastic kampeon sa 3-on-3

NAGKAMPEON ang Jumbo Plastic Linoleum sa PBA D League Aspirants Cup 3-on-3 sa finals na ginanap noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum bilang pampagana sa finals ng PBA Philippine Cup.

Naipasok ni Karl Dehesa ang kanyang isang puntos na lay-up sa huling 48 segundo upang sirain ang huling tabla sa 10-all at maibigay sa Giants ang panalo.

Kasama ni Dehesa sa Jumbo sina Jan Colina, Mark Romero at Harry Petilos.

Gumanti ang Jumbo sa pagkatalo nito sa Blackwater sa quarterfinals ng Aspirants Cup.

Naging kinatawan ng Elite sa torneo sina Bacon Austria, Andrew Avillanoza, Ken Acibar at Hyram Bagatsing.

Nanalo ang  Blackwater sa unang pagdaraos ng 3-on-3 noong isang taon.         (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …