MAY bago na namang bayani ang sambayanang Pinoy.
‘Yan ay sa katauhan ng 17-anyos na Filipino ice skater Michael Christian Martinez.
Congratulations Michael! You really made us proud!
Si Martinez ang kauna-unahang Filipino at unang Southeast Asian na naging kwalipikado sa Sochi Winter Games.
Nakagugulat na isang Pinoy ang lumutang sa Winter Games na ito, dahil hindi naman nagyeyelo sa bansa natin. Maliban sa ilang pribadong establisyemento na mayroong ice skating rinks kung saan nga nagsanay si Martinez.
Hindi natin masasabing tsamba ang kwalipikasyon ni Martinez sa 2014 Olympic Winter Games.
Mula pagkabata ay pinangarap na ni Martinez na isang araw ay katawanin niya ang bansa sa pamamagitan ng nasabing sports.
Lubos ang suporta ng kanyang mga magulang kaya kung saan-saan at kung kani-kanino lumapit para masustenahan ang pagsasanay ng kanilang anak.
Nagkaroon din ng isyu na hindi siya sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) pero pinasubalian ito ng Malacañang.
Siguro nga, may suporta ang gobyerno … MORAL SUPPORT nga lang…
Anyway, hindi man nanalo ay nakapasok nga sa finals si Michael at marami ang nakapansin sa kanyang galing.
Marami ang umaasa na makalalahok siya sa 2018 Winter Olympics sa South Korea.
Ang magandang abangan ngayon, ang pagbabalik sa bansa ni Michael.
Sino ang sasalubong sa kanya? Sino ang didikit at sino ang eepal nang husto?!
Tiyak ‘yan magkakaron pa ng welcome parade … hikhikhik …
Kung noong umalis si Michael ay malungkot at walang naghatid, walang pumapansin, t’yak ngayon maraming eepal at magkakagulo para siya ay salubungin.
At tiyak rin na maraming eepal ngayon sa pagbibigay ng cash incentives at parangal sa kanya di ba?
Huwag naman sanang umepal si BIR Comm. Kim Henares at buwisan pa ang perang matatanggap ni Christian.
Abangan ang susunod na kabanata.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com