Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI, BOC at IPO sumalakay

SINALAKAY ng mga alertong operatiba ng NBI, BOC at IPO ang mga warehouse sa Parañaque na naglalaman ng mga pekeng shampoo, Ha-vaianas, FlipFlop, Converse, Nike, jackets, bigas at marami pang iba sa sunod-sunod na araw nitong nakaraang linggo. Isang James Chua na kasalukuyang pinaghahanap ng NBI ngayon na pag-aari niya ang isa sa mga sinalakay na warehouse.

Tinatayang mahigit isang bilyong piso ang halaga ang mga nasalakay ng ilegal na kargamento at karamihan ay counterfeit at talagang puspusan na ang kampanya laban sa lahat ng mga ilegal na gawain sa ating bansa, may mga kasamang pagkain din na nakasisira sa kalusu-gan. Ang mga pekeng goods, ito ‘yung tinatawag na lumabag sa Intellectual Property Rights dahil sa panggagaya sa mga orihinal na produkto.

Pinamunuan mismo ni Deputy Commissioner for Enforcement Ariel Nepomuceno ang pagsalakay at diyan natin makikita na serysoso silang lansagin ang mga sindikato sa ating bansa.

Ssumama rin sa inspeksiyon si Comm. John Sevilla at si Coll. Mario Mendoza at talagang ipinakita ni Nepomuceno na talagang puspusan ang kanyang anti-smuggling campaign.

Marami pa siyang minamanmanan na mga smuggler at players para masawata ang mga importer na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Sa NBI naman, puspusan na rin ang ginagawa nila na lansagin lahat ng sindikato sa ating bansa sa pamumuno ng mapagkumbabang De-puty Director ng NBI na si Atty. Ruel Lasala  na alam natin na napakaraming accomplishment si-mula noong siya’y manungkulan sa NBI dahil sa tamang surveillance at intelligence gathering ng mga matitikas na NBI agent.

Si Lasala ang napakaraming nahuling mga drug dent, drug lord at malalakas ng kalibre ng armas.

Si Lasala ay isang ulirang ama ng NBI dahil lahat naman ng ito ay sa magandang leadership sa NBI ni kagalang-galang at hardworking director Atty. Virgilio Mendez.

Diyan makikita simula noong pamunuan ni Mendez ang NBI sunod-sunod na ang kanilang malalaking accomplishment dahil nagsama-sama sila na magkakapamilya sa NBI sa hirap at ginhawa.

Maganda ang tandem ng Team NBI at diyan nakikita na talagang sila ang number one investigative arm of the government pero naniniwala na ang pagsalakay sa nasabing warehouse diyan mo makikita ang pagkakaisa ng NBI, BOC at IPO.

D’yan makikita na sinusunod nila ang mandatong iniatang sa kanila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Mabuhay ang NBI, BOC at IPO.

Ito ang sandigan ng mamamayan at maituturing natin na ang pag-asa ng BOC, NBI at IPO ay pananalig si Diyos.

Mabuhay kayong lahat at mabuhay ang Pilipinas.

God bless us all!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …