Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily Monteverde interesado kay Deniece Cornejo (Kahit nega na sa mata ng publiko!)

ni  Peter Ledesma

Mabuti na lang daw at napigilan ng kanyang mga adviser ang isang movie produ na nagkaroon ng interes kay Deniece Cornejo na bigyan ng pelikula. Obyus ang producer na tinutukoy ay walang iba kundi si mother Lily Monteverde ang producer ng Third Eye ni Carla Abellana na hindi pa naiso-showing ay nangangamoy flop na. Ganyan naman talaga ang estilo noon pa ni madera kapag controversial ka at pinag-uusapan kesehodang hindi kagandahan ang images mo ay su-sugalan ka niya. E, sabi ng kampo niya kapag itinuloy ang pagkuha kay Deniece ay dapat tanggapin na na first and last day sa mga sinehan ang nasabing film. Sobrang nega kasi sa mata ng publiko ang babae na nag-akusa ng rape kay Vhong Navarro na pinabugbog pa ang comedian host sa diumano’y karelasyong si Cedric Lee at mga kasama ng Chinese businessman. In fairness, agad-agad naman nakinig si Mother Lily kaya no project na sa kanya si Deniece.

Very right and good decision gyud!

Tyrone Oneza Magkakaroon Ng Sariling Billboard Sa Edsa Para Sa Ini-Endosong Vitamins

Kung performer ka na laging on-da-go dapat nagte-take ka ng Vitamins para may energy ka at maayos at malakas ang iyong immune system sa katawan. Like Tyrone Oneza, sinisiguro niya na araw-araw ay umiinom siya ng Vitamins at isa sa kanyang maintenance ay ang MEGA-C, na mega iwas sa sakit at mega gaan pa sa bulsa. Ayon kay Tyrone ilang years na siyang guma-gamit ng nasabing bitamina kaya naman sobrang tuwa niya nang alukin siya para maging bagong celebrity endorser nito. Presto! Pumirma agad ng kontrata si Tyrone sa MEGA-C at ngayon pa lang ay very supportive na ang CEO at General Ma-nager ng company na si Ms. Yvonne Benavidez. Ilan sa mga inilatag na magagandang plano para sa fast-rising recording hunky artist ay pagkakaroon ng sarili niyang commercial at billboard na makikita sa malalaking kalsada sa Mega Manila kabilang na ang EDSA. Grabe ang excitement ngayon ni Tyrone sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanyang career. Naniniwala siya na bukod sa kanyang talent ay ginagabayan siya at unti-unting tinutupad ni Poong Nazareno ang lahat ng wish para sa kanyang singing career. Tulad ni Coco Martin ay deboto rin si Tyrone ng mahal nating Nazareno kaya naman pareho sila ng sikat na actor na pinagpapala. “Napakabilis ng mga pangyayari tito Peter. Imagine in span of half year marami na agad magagandang nangyari sa career ko. First natupad ‘yung isa sa biggest dream ko na magkaroon ng album then itong endorsement ko sa Mega-C Vitamins. Tapos, hindi ako nawawalan ng show minsan lagare pa. Kaya alam ko si Poong Nazareno ang guardian angel ko kaya maganda ang naging comeback ko sa showbiz. Noong time ni Tyrone isa rin siya sa nakitaan ng potential kaya naman hindi rin siya nawawalan ng project noon. Katatapos lang pa lang mag-shoot ng nasabing singer sa ZOE TV Broadcasting Network ng kanyang panibagong Music Video para sa “Dito Sa ‘King Piling” na carrier single ng first self-titled album na Tyrone Oneza. Sa “Dito Sa’king Piling” ang mga song na included ay original at revival na composed ng nag-iisang hitmaker na si Vehnee Saturno.

Naging abala rin sa kaliwa’t kanang radio and TV guesting na pare-parehong magaganda ang feedback. Sa April 24 naman ay gaganapin sa Ballroom ng Rembrant Hotel sa Kyusi ang solo concert ni Tyrone na ang wish niyang maging guest ay si Angeline Quinto. Bakit naman hindi e, nakasama na ng hunky artist sa kanyang mga concert sina AiAi delas Alas at Lani Misalucha.

Grand Winner Ng “Little Singing Star” Ni Aleng Maliit May Puwang Sa Music Industry

Napanood namin nang live sa The Ryzza Mae Show kasama sina Sir Rob Yap ang itinanghal na Grand Winner sa Little Singing Star na si Isaac Zamudio. Honestly, swak na swak ang judgment ng hurado ng araw na ‘yun sa Grand Finals ng nasabing Bulilit Singing Contest na si Mr. Song writer Ogie Alcasid. Kasi naman ang husay-husay kumanta ni Isaac at hanep ang performance sa entablado ng Morning Talk Show ni Aleng Maliit Ryzza Mae. Tinalo pala ng nasabing champion sa kantahan sina Aaron Samonte at Krezia Mae Tonacao. Very proud ang parents ni Isaac sa kanya na hindi lang pala magaling na singer kundi masipag rin sa pag-aaral. Honestly kung kami ang tatanungin may puwang sa Music Industry ang bata at ‘di malayong sumikat siya.

Malaking cash prize ang tinanggap ni Isaac at may consolation cash rin sa mga tinalo nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …