Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine Curtis-Smith, tampok sa The Replacement Bride ng TV5

ni  Nonie V. Nicasio

BILANG pagpapatuloy ng STUDIO5 ORIGINAL MOVIES ng TV5, tampok ngayong Martes, Feb. 18 ang The Replacement Bride na pinagbibidahan ng  TV5 primetime princess at Cinemalaya Best Actress na si Jasmine Curtis-Smith kasama ang Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga.

Isa itong nakaka-aliw na romantic comedy ukol kay Chynna (Jasmine), isang broken-hearted na dalaga na sumigaw ng “Itigil ang kasal!” sa maling okasyon at naging dahilan ng pagkasira ng kasal ng guwapong architect na si Kael (Daniel) sa kanyang long-time girlfriend na si Sandy (Arci Muñoz). Upang itama ang pagkakamaling nagawa, mapipilitan si Chynna na tulungang magkabalikan sina Kael at Sandy. Pero paano kung napalitan na pala niya ang bride sa puso ng groom?

Dito makikita ang pagiging versatile ni Jasmine na puwede siya sa drama, action, at maging sa comedy.

Pinuri naman ni Jasmine ang mga katrabaho sa The Replacement Bride na sina Daniel, Arci Muñoz, at Edgar Allan Guzman.

Ayon kay Jasmine, magaan daw katrabaho ang leading man niya rito na si Daniel at lagi raw itong naka-focus sa work.

“In between breaks na hindi siya kailangan for the sequence, nagbabasa ng script, mine-memorize niya. Para iyong pagdikta niya ng words in Tagalog, perfect, kasi nga, ‘di ba, meron siyang accent na Brazilian?

“So he wants to really perfect the way he says things and if not, he’ll ask if puwedeng English na lang or if he can rephrase it,” pahayag ng younger sister niAnne Curtis.

Maayos din daw ang trabaho nila nina Arci at Egdar Allan.

“Si Arci, matagal na kaming nagkakatrabaho, so matagal na kaming okay ni Arci and then, also because kami nga iyong ‘di ba, there was ‘yung prinsesa ng TV5? Kaya lagi kaming nagsasama for shows and for events,” pahayag ng Tisay na aktres.

“Si Edgar Allan, masarap kakuwentuhan, kasi kengkoy din siya, iyong kuhang-kuha niya yung Pinoy humor na nae-enjoy ko,” dagdag pa ni Jasmine.

James Matthew, tampok sa  pelikulang Dota (Nakakabaliw)

BIGGEST break ng 15 year old half-Pinoy, half-British na si James Matthew ang pelikulang Dota( Nakakabaliw).

Balita nga sa amin ni Charlie Lozo na maganda ang naisipan ng Manchester Productionsng aktres na si Marivic Cuyugan to produce that film dahil alam naman nating lahat na milyong mga kabataan at pati may mga edad na rin ang naa- adik at nababaliw sa on-line games na Dota.

Ayon nga kay Charlie, isa siya sa natuwa dahil bida na agad sa pelikula ang anak anakan niyang si James. Ang nasabing pelikula ay sumasalamin sa kung ano ang mga aura ng mga nabaliw sa larong Dota. Meaning, makaka-relate ka sa Dota (nakakabaliw) movie.

Hinangaan at pinalakpakan nga si James ng ilang nag-review at nakapanood ng rushes ng movie dahil mahusay na actor ang bata kahit na baguhan pa lang. Kasama rin sa pelikulang ito sina Joyce Ching, Roldan Aquino, Withney Tyson, Marivic Cuyugan, at Joanna Elle, ang 17 year old sister in real life ni James.

Ang nasabing movie ay base rin sa true story ni James na nabaliw talaga sa on-line games na Dota.

Sa February 23 ay may special screening ang pelikula, 4-6PM at 6 -8PM sa SM Bacoor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …