Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, mula sa pagiging indie film actor, producer na ngayon!

 ni Vir Gonzales

ISANG malaking sugal din ang mag-produce ng pelikula, kaya naging wise ang Teleserye King na si Coco Martin na kumuha ng artistang puwedeng maipagmalaki. Ito ay para sa indie movie na gagawin niya, ang Padre de Familia.

Maging noong araw, nasa Pampanga pa ang actor, matindi ang paghanga niya kay Nora Aunor. At nakatataba ng puso naman ito para kay Guy.

Hindi naman natatakot si Coco na humarap kay Guy sa pag-arte dahil kahit paano, nakatulong ng malaki ang mga bigating malalaking seryeng ginawa niya sa ABS-CBN at makatabaho ang mga higanteng stars like Susan Roces, Helen Gamboa, Dante Rivero, at iba pa.

Napupuri rin ni Susan si Coco sa pag-arte nito. Dibdiban daw at kinakarir talaga. Gusto naming kamayan ang mga dating kakilala ni Coco na tumulong sa kanya noon na sina Ihman Esturco atCoco Simo. Hindi nila akalaing ang pinagpaguran nilang artistang kasama-sama noon sa raket ay magiging isang bigating star at producer pa.

Ang kapalaran nga naman ng tao, walang makapagsasabi. Malaking tulong din kay Coco si DirekBrilliante Mendoza sa pagbibigay tiwala kay Coco, na walang pumapansin noon. Sino bang makapagsasabinh galing lang siya sa mga indi films, aber?

***

Personal….Together with Barangay Konsehal sa Subic, Baliuag, na-invite kaming mag-judge sa isang event, ang Baliuag Got Talent kasama sina Konsehal Nerie San Juan, Ica Dela Merced, Erlinda Garcia, na isang guro at Pangulo ng kapistahan, balik-bahan Rafael Maglonzo noong February 11.

Dumating ang butihing Mayor ng Baliuag na si Dra. Carolina Dellosa kasama ang kanyang kabiyak na si Sir James Delloza, na nagkataong kaarawan din ng araw na iyon. Pinasaya nila ang mga taga-Subic, nagkaroon ng sayawan at nagpa-agaw pa ng pera sa mga bata.

Abala naman ang Barangay Chairman na si Allan Bautista katuwang si Mon Maglonzo at iba pa. Sobrang saya ang nadama ng mga taga-roon dahil 10 taon ding hindi nakapagdiwang ng tulad nito. Sa inyong lahat Happy Fiesta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …