Monday , December 23 2024

Class suit vs PNoy sa poor Yolanda relief efforts

NAKATAKDANG magsampa ng kaso ang grupo ng “Yolanda” survivors laban sa Aquino government kaugnay sa sinasabing kapabayaan para matulungan ang mga biktima ng super typhoon.

Sa kalatas ng grupong Tindog People’s Network, hayagang inakusahan ng mga survivor at pamilya ng mga biktima ng kalamidad, si Pangulong Benigno Aguino III sa anila’y “criminal neglect” dahilan sa pagkamatay ng libo-libong mga residente.

Tinukoy rin ng grupo ang anila’y “poor disaster preparedness, rescue, relief and rehabilitation efforts” ng pamahalaan.

“After 100 days, we continue to find and count our dead, the wounded and the thousands displaced by the disaster. It is depressing to learn that after 100 days, the government is still unable to reach out to all typhoon-affected communities. Aid is arriving in trickles and basic services are still non-existent in many villages,” ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Mark Louie Aquino.

Ngayong araw ay nakatakdang mag-martsa ang grupo sa Mendiola, sa lungsod ng Maynila para ipaabot kay Pangulong Aquino ang kanilang “demand Letter.”

“Instead of focusing in sincere moves to end poverty in areas that are hardly affected by Yolanda, it seems that the Aquino government is focusing more on how to push its anti-people agenda in their rehabilitation programs including privatization schemes on their ‘no-build zone’ policies in Tacloban, corruption-ridden projects as the alleged overpriced and substandard bunkhouses for the victims, among others,” dagdag pa ng opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *