Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, Camille, at Denise, ninerbiyos sa shooting ng Third Eye

ni Maricris Valdez Nicasio

AFTER ng tagumpay ng Pagpag, heto’t ‘di napigil ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na muling gumawa ng de kalidad na horror movie, ang Third Eye na pinagbibidahan ng tatlong magagaling na aktres na sina Carla Abellana, Camille Parts, at Denise Laurel.

Ang Third Eye ay sinasabing ang pelikulang binusisi, pinagbuti, at non-stop ang kahindik-hindik na mga tagpo na mapapanood na sa February 26 mula sa Regal Entertainment.

“After ng success ng ‘Pagpag’, gusto namin ng mas nakatatakot pang pelikula at inilagay namin ‘yon sa ‘Third Eye.’ Tradisyon na kasi ng Regal na ibigay sa manonood ang gusto nila na tumitili at kinakabog ang dibdib sa simula hanggang ending ng movie. Modesty aside, matitikman nila ‘yan sa ‘Third Eye.’ Ako na sanay na sa horror movies, natakot pa, ganyan din ang mararamdam nila once panoorin nila ang movie!” ani Mother Lily.

Tungkol sa isang babae na may tinatawag na “third eye” ang kuwento ng movie na ginagampanan ni Carla. Nagdulot ito ng matinding trauma noong bata pa siya kaya naman “isinara” ito ng lola niyang ginampanan ni Boots Anson Roa. Subalit binigyan siya ng babala na muling magbubukas ‘yon sa panahong mahina ang kanyang loob.

Si Ejay Falcon ang lalabas na asawa ni Carla sa movie. Palibhasa walang anak, pinatulan niya si Denise na kanyang nabuntis. Sanhi ng galit dala ng matinding selos, kinompronta niya ang asawa’t kalaguyo. Subalit hindi inakala ng babae na ang pakikipaglaban niya sa karapatan niya bilang asawa ay magiging daan sa mas mabigat na kalaban sa katauhan nina Camille at asawang si Alex Medinana uhaw sa laman at dugo ng tao!

Dahil sa nakakikilabot na konsepto ng pelikula, hindi itinanggi nina Carla, Camille, at Denise ang karanasan nilang matakot habang ginagawa ang movie. Bagamat alam nilang production design lang ang mga bagong creature na mapapanood sa movie, nakaramdam din sila ng nerbiyos at takot sa set ng movie.

“I did an episode for ‘Shake, Rattle & Roll,’ at natakot din ako. Pero hindi ko akalain na nenerbiyosin ako sa gagawin kong scenes. Eerie ang feeling namin sa location at ‘yung mga sigaw ko, totoo ‘yon! Hindi arte lang!” pahayag ni Carla.

“Challenge sa akin ‘yung role ko because people saw me in drama. Stop muna ako sa iyakan at pagpapaiyak. Tatakutin ko naman sila sa movie! Ha! Ha! Ha!” saad naman ni Camille.

Mapapandin pa rin naman datw ang pagiging hot mama ni Denise only this time, may kaakibat na pakikipaglaban sa mga nakakikilabot na characters ang magsisilbing hamon sa kanya.  ”I enjoyed doing the film. Ang sarap palang gumawa ng horror movie. It’s a thrilling experience I would never forget. Inatake rin ako ng takot while shooting the film. Nilakasan ko na lang ang loob ko sa bawat eksena. Tiniis ko ang takot ko. Ayokong mapahiya sa co-stars ko lalo na kay Carla! Ha! Ha! Ha!” sabi naman ni Denise.

Ang Third Eye na mula sa direksiyon ni Aloy Adlawan. Para sa iba pang impormasyon, mag-log in sa website ng Regal Multimedia, Inc., Face Book at Twitter account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …