Friday , November 15 2024

Ang Anti-Pork Barrel Bill ni Mayor Lim!

This is the message you heard from the beginning: We should love one another.—1 John 3:11

SWAK na swak sa kulungan ang mga inaakusahang mga senador na nagbulsa ng sarili nilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas bantog sa katawagang pork barrel fund.

Dahil sa paglitaw ng bagong eyewitness ng gobyerno, hindi maikakaila na may nagaganap na kutsabahan sa tanggapan ng ilang senador at sa mga pekeng Non-Governmental Organization (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Ika nga, ngayon ay wala na talaga silang lusot!

***

KAYA tama ang panawagan noon pa man ni Mayor Fred Lim nang ito ay maging Senador (2004-2007)——buwagin na ang pork barrel ng mga mambabatas!

Hindi ba’t si Mayor Lim ang kauna-unahang Senador na nagsumite noon ng anti-pork barrel bill, ito ang Senate Bill No. 2618 na nag-aabolish sa PDAF ng lahat ng miyembro ng Kongreso.

Dapat lamang itong buhayin ngayon sa senado!

***

KATUNAYAN nanguna si Mayor Lim sa kampanyang ito nang hindi niya tanggapin ang kanyang P200M PDAF kada taon, mula nang tumuntong sa Senado noong 2004.

Suma-total, umaabot sa P600M pork barrel fund ang hindi tinanggap ni Mayor Lim mula 2004 hanggang 2007.

Ibang klaseng politiko!

SERTIPIKASYON MULA SA DBM

ABA, mga kabarangay, hindi ito tsismis o anupaman papapogi dahil mismong ang kasalukuyan natin Secretaryng Department of Budget and Management (DBM) na siFlorencio “Butch” Abad ang nag-isyu ng “Certificate of Non Receiving of PDAF” na nagsasaad na walang tinanggap na pork barrel si Mayor Lim noong Senador ito.

Pagpapatunay lamang na hindi kailanman kinuha o ginastos ni Mayor Lim ang kanyang PDAF at inilaan sa kung saan-saang NGOs na gaya ng ginagawa ng mga Senador.

O, saan ka pa?!

***

INISYUHAN si Mayor Lim ng sertipikasyon ng DBM upang sabihin na ni singkong duling ay hindi dinampi, ginalaw o sinilip man lang noong siya’y senador ang kanyang PDAF sa Senado.

Maliwanag kasi ang posisyon dito ni Mayor Lim, hindi dapat paglaanan ng pondo ang isang Senador na bahagi ng lehislatura ng gobyerno, bagkus dapat hayaan ito sa ehekutibo at sa mga implementing government agencies.

Dahil ang gawain ng isang Senador ay gumawa ng batas, hindi magpondo ng mga proyekto!

P70M PAGCOR FUND INIWAN SA CITY HALL

KUNG hindi rin tayo nagkakamali, hindi rin personal na tinanggap ni Mayor Lim ang kanyang “Pagcor share” na nakukuha kada buwan na umaabot sa P9M.

Karaniwan may “share” na nakukuha ang lokal na siyudad sa mga casino pinatatakbo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

P9M sa Mayor, P4.5M sa Vice Mayor!

***

KAYA kung susumahin natin, may P70M ang “naipon” at “naiwan” Pagcor funds si Mayor Lim sa City of Manila nang lisanin niya ito noong June 30, 2013.

Teka, kung itatanong ninyo sa akin kung saan naman napunta ang Pagcor share na ibinigay sa tanggapan ng bise alkalde, aba malay ko!

Baka napunta kay Eddie!

PANGULONG ERAP,

NIYAYARI NG KONSEHO

MADAMI ang nag-react sa ating isinulat na anti-Erap ang kasalukyang bumubuo ng 9th City Council.

Dahil totoo naman ito, taliwas sa sinasabi nilang sinusuportahan umano nila ang kasalukuyang adminisyrasyon ni Pangulong Erap.

***

NAKITA ng ating mga kabarangay ang obserbasyon ito na tila niluluto sa sariling mantika si Pangulong Erap sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga ordinansang anti-people, kagaya ng mga bus ban, truck ban, real estate tax increase at iba pang puro pagtataas at pagbabawal sa Lungsod.

Tama tuloy ang sinasabi ng marami natin kabarangay, niyayari nila ng maaga ang Pangulong Erap upang makaupo agad sila sa puwesto.

Akala naman nila, sila na agad ang makakaupo, pwee!

***

You breaking my heart in despair!

Ito ang awitin ng mga Kabarangay natin ukol sa suspension issue laban sa isang mataas na opisyal ng Maynila na pinatawan kamakailan ng Ombudsman.

Pero ang siste, naghabol pa din ang opisyal at nagsumite ng kanyang motion for reconsideration o MR sa Ombudsman.

***

SA hinahaba-haba ng prusisyon aba, sa kulungan din pala ang tuloy ng opisyal na ito na kilalang gumon sa pagsusugal sa mga casino.

Hindi na nga maitatago pa ang kaso ng opisyal na sadlak ang korapsyon sa kanyang opisina at ginawang negosyo ang pagiging isang politiko.

Hintayin natin ang pagbasura sa kanyang mosyon! Abangan!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *