Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

US$10K bonus sa Pinoy skater (Palasyo full support sa 2018)

DAHIL sa ipinakitang determinasyon at lakas ng loob, makatatanggap ng bonus si Filipino figure skater Michael Christian Martinez, ang solong pambato ng Filipinas sa Winter Olympic Games sa Sochi, Russia.

Bagama’t walang naiuwing medalya, nag-iwan ng marka sa mga manonood sa galing ng kaniyang performance mula sa preliminary round hanggang sa medal round.

Pagkakalooban ng business tycoon Manny V. Pangilinan, ng $10,000 o mahigit P450,000 na gantimpala si Martinez dahil sa ibinigay na pagkilala at karangalan sa Filipinas.

Nagpasalamat si Martinez sa mga kababayan na nagdasal at sumuporta sa kaniyang laban.

“Sobrang saya. Sobrang nakakataba ng puso,” ani Martinez.

Nangako si Michael na pagbubutihin ang susunod niyang kompetisyon sa bansang Bulgaria sa sunod na linggo upang muling mai-represent ang Filipinas sa susunod na Olympics na gagawin sa South Korea.

“My goal is to compete again in the next Olympics.”

PALASYO FULL SUPPORT SA 2018

UMAASA ang Malacañang na makakakuha ng sapat na suporta sa mga kapwa Filipino, lalo sa pribadong sektor, si Filipino Olympian Michael Christian Martinez, sa kanyang paghahanda para sa iba pang kompetisyon, gaya ng 2018 Olympics.

Ani Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, napatunayan ni Martinez na karapat-dapat ang atensiyon at ayuda ng mga kababayan, hangad niya na dumagsa ang donasyon  para sa atleta dahil hindi biro ang preparasyon para sa 2018 Olympics.

“It’s a long road to 2018 and we wish him the best of luck. Undeniably (his performance) will attract more attention for him and hopefully donors from the private sector will come,” ani Valte.

Sinuportahan aniya ng Philippine Sports Commission (PSC) at ilang pribadong kompanya ang pagsali ni Martinez sa Winter Olympics at nasungkit niya ang ika-19 puwesto.

“With the attention he has received and the heart he has shown everybody, siguro mas ma-improve ang situation,” dagdag ni Valte.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …