Friday , November 15 2024

Toxic materials ng ibang bansa itinatapon sa Pinas

00 Bulabugin JSY
MATAPOS mabisto at masakote ng Bureau of Customs (BoC) ang isang consignee na nakabase sa Valenzuela City na nag-i-import ng hazardous and toxic waste materials sa bansa, kompirmadong ang ating bansa ay ginagawang ‘dumpsite’ ng ibang bansa.

Sa kaso ngang ito, mula sa Canada ang 50X40-footer container vans na mayroong laman na basura mula sa  Canada.

Kaya naman under investigation daw ngayon ang kompanyang Chronic Plastics dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code and Republic Act  6969, na kilala rin sa tawag na “Toxic Substances and Hazardous Wastes Control Act of 1990.”

Ang shipper umano ng nasabing ‘imported’ na basura ay ang Chronic, Inc., na nakabase sa Ontario, Canada. Dumating umano ang nasabing container vans sa Manila International Container Port noong Agosto at Setyembre.

Agad inalerto ng BoC-ESS ang nasabing shipment dahil hindi tama ang ipinasang dokumento ng importation at nagdeklarang $220,000 ang halaga nito.

Pero nang inspeksiyonin nakaraang Enero 21, natuklasan na ang laman pala ng nasabing container vans ay pawang mga basura.

Dahil dito, agad nagbabala si ARIEL NEPOMOCENO, customs deputy commissioner for enforcement, na ang nasabing ‘shipment’ ay malaking banta sa kalusugan ng mga Pinoy.

Ang nakalulungkot sa pangyayaring ito, hindi lamang ngayon ito nangyari. Hindi ba’t noong mga nagdaang taon ay may dumating din na shipment mula sa Japan na ang laman naman ay hospital waste materials?!

Ibig sabihin ba nito ay mayroon nang ‘practice’ mula sa ibang bansa na tayo ay ginagawang basurahan?!

Ayon pa kay BOC DepComm Nepo, “under the Basel Convention on the control of transboundary movements of hazardous wastes and their disposal, the exporting country must take back the waste materials if the receiving country refuses to accept them.”

Ang Philippines at Canada ay kapwa signatories sa  nasabing international treaty, which went into force on May 5, 1992. Mahigit 180 countries ang lumagda sa kasunduang ito.

Mabuti naman pala at mayroong international laws gaya nito.

Pero ang tanong nga, bakit paulit-ulit na nangyayari ito? Sigurado ba tayo na walang nakalulusot at makalulusot pa na mga hazardous waste materials na nakapapasok sa ating bansa?!

Aba, dapat manmanang mabuti ng BoC ang mga importer at shipper na mayroon masamang record nang sa gayon ay hindi na masakripisyo ang kalusugan ng sambayanang Pinoy!

Again, Kudos sa Customs ESS!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *