NANATILI si Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat, Jr., sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
‘Yan ay matapos aprubahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ang kanyang appointment kasabay ang apat na miyembro ng board of directors sa nasabing gaming firm na sina Jorge Sarmiento, Eugene Manalastas, Enriquito Nuguid at Jose Tanjuatco.
Nilagdaan ng Pangulo ang kanilang bagong appointments nitong Enero 15. At sila ay magsisilbi hanggang Hunyo 30 ng taong kasalukuyan.
Malaki ang tiwala ng Pangulo sa kasalukuyang adminsitrasyon ng Pagcor kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit muli niyang nilagdaan ang kanilang reappointment.
Sabi nga ni Chairman Bong, patuloy at masiglang ginagampanan ng Pagcor ang kanilang tungkulin bilang partner ng gobyerno sa nation-building.
Kabilang na nga rito ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng school buildings lalo na sa malalayong probinsiya.
Sa huling ulat, umabot sa P5 bilyon ang kanilang nailaan para sa school building project. Pinakamalaking corporate social responsibility project umano ito ng Pagcor sa loob ng kanilang 28-year history.
Again, CONGRATULATIONS Chairman Bong and keep up the good work!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com