ni Nonie V. Nicasio
NAKAHUNTAHAN namin last Wednesday si Phillip Salvador sa press preview ng Bawat Sandali, ang pelikulang pang-TV ng Studio5 Original Movies na bukod kay Ipe ay tinatampukan nina Derek Ramsay, Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon, Mon Confiado, at iba pa.
Nang usisian namin siya ukol sa kinakaharap na kasong plunder ng mga kaibigang sina Senador Bong Revilla at Senador Jinggoy Estrada dahil sa pagkakadawit nila sa maano-malyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), nakiusap ang award winning actor sa publiko na huwag muna silang husgahan.
“Nakikiusap ako sa publiko, huwag po muna ninyong husgahan si Senator Jinggoy, si Senator Enrile… huwag n’yo rin husgahan si Bong.
“Kasi ho, a… iyong nariri-nig nyo lang, iyong napapanood ninyo, iyon lang ang nakikita ninyo at naririnig ninyo. Pero sa libo-libong taong tinulungan nila at tinutulungan pa rin hanggang ngayon… ay nakasuporta rin ho sa kanila,” esplika ni Phillip.
Idinagdag din niyang hindi naman daw siya nag-aalalang mapag-initan ng netizens dahil naniniwala ang actor na matatalino naman ang mga na-sabing tao.
Ayon pa kay Ipe, “May kanya-kanya naman tayong opinion. ‘Ika nga, mayroon naman tayong freedom of speech na tinatawag.
“So, ako kasi, through thick and thin, hindi ako nang-iiwan sa laban,” seryosong pahayag ng aktor.
Nang tanungin namin siya kung sa palagay niya ay posibleng maabsuwelto ang kanyang mga kaibigan matapos dinggin ng korte ang kaso nila, sinabi ni Phillip na naniniwala siyang maaabsuwelto ang mga kaibigang sina Jinggoy at Bong sa tulong ng Diyos.
“I believe in my heart, maaabsuwelto sila. I believe in my heart… dahil alam ko na nakakapit sila sa Diyos. Alam ko na ang pinakakakampi nila rito, walang iba, kundi ang Panginoong Di-yos.
“Kasi, if God is with you, who can be against you, wala!” Sagot-tanong pa niya sa amin.
Solid din daw ang suporta niya sa dalawa na kahit ano’ng mangyari ay hindi niya tatalikuran sina Senators Bong at Jinggoy.
“Whatever happens, whatever happens… I love my friends, I respect my friends and I will never turn my back on them. Kahit ano’ng mangyari, kaibigan ko pa rin sila.”
Samantala, isang pulis ang papel ni Phillip sa Bawat Sandali na ang director ay sina Joel Lamangan at Eric Quizon. “I played the detective na nagso-solve nung case ni Derek. Kasi nagka-amnesia siya rito, hindi niya alam e, wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya.”
Ang Bawat Sandali ang pang-grand finale sa naturang love month series ng TV5 na mapapanood sa February 25, 8 pm.
Nauna nang ipinalabas noong February 4 ang Lady Next Door nina Alice Dixson at Mark Neumann. Sumunod naman dito ang balik-tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III nang sumunod na Tuesday sa When I fall in Love. Next week, Feb. 18 ay ang The Replacement Bride naman ang mapapanood sa TV5 starring Jasmine Curtis-Smith at Daniel Matsunaga sa isang nakaaaliw na romantic comedy movie.
Tapos nga ay itong Bawat Sandali naman nina Derek and Angel na ukol sa isang tragic love story na may halong crime mystery. Hindi dapat palagpasin ito sa February 28 dahil bukod sa maganda ang pagka-kagawa ng movie for TV na ito, ang gagaling din dito nina Angel, Derek, Yul, at Mylene.