Monday , December 23 2024

‘Medicinal’ Marijuana tutol tayo d’yan!

00 Bulabugin JSY

SA BANSA, ang pinakainaabusong substance ay ang synthetic na SHABU at ang dahon ng Marijuana.

Kaya nang lumutang ang mga balita na ang marijuana ay iminumungkahing maging legal sa ating bansa, mayroong mga natuwa at mayroon din mga ‘kinilabutan.’

Tayo ay tutol sa paglelegalisa ng marijuana.

Dito pa naman sa bansa natin na napakadaling gumawa ng mga pekeng dokumento.

Aba ‘e magpapagawa lang sa Recto ng restricted prescription pad ‘yan mga ‘LULONG’ sa ‘damo’ ‘e lusot na sila.

‘Yung bawal nga ‘e nakalulusot pa, ‘e di lalo na kapag naging legal ‘yang Marijuana.

Kung sinasabi nilang sa ibang bansa ay subok na bilang medisina laban sa maraming klase ng fatal disease ang marijuana, pwede naman i-facilitate ang pagpunta ng mga pasyente doon lalo na ‘yung mayroong mga pera.

Huwag po rito sa bansa natin na t’yak na magtutulak para maging legal ang iba pang illegal or regulated substance na inaabuso ng mga taong walang magawa sa buhay.

Please lang po sa ating mga mambabatas, mag-isip naman kayo ng mas kapaki-pakinabang na batas gaya ng pagbabawal na isapribado ang mga public hospital sa bansa.

And to quote: “They said weed wouldn’t lead to harder drugs …THEY LIED!

LPGMA, PARTY-LIST PARA SA MARGINALIZED SECTOR O MARKETING ARM NG LPG COMPANIES?

KAKAIBA rin talaga ang EPAL ni LPGMA party-list representative Arnel Ty.

Mula nang maisabatas ang Clean Air Act noong panahon ni PGMA (Gloria Arroyo), lumapad na ang papel ni Arnel Ty.

Mula sa pagiging dealer ng LPG, ay naging bongga ang karera ni Ty at ngayon nga ay naging party-list congressman pa.

Pero ang ipinagtataka natin, WALA man lang tayong nabasang isinusulong na batas ang LPGMA para suportahan ang consumers.

Mula nang magkaroon ng LPGMA, mula sa P400 plus na presyo ng 11 kgs LPG ay sumirit na ito ngayon sa mahigit P800.

Habang ang LPG fuel naman para sasakyan (taxi), mula sa P17 ay naging mahigit P3o kada litro na ngayon.

Gusto lang din natin klaruhin, ang papel ba ng LPGMA ay tagapagbalita ng pagtaas ng presyo ng LPG?

‘E para kanino ba talaga ang LPGMA party-list? Sa marginalized sector ba talaga o sa mga negosyante ng LPG?!

Ano sa palagay mo, Rep. Arnel Ty?!

CABLE ‘JUMPER’ GANG SA NAIA

ANO itong nasagap natin sa Bulabog boys sa NAIA na ilang kawani ng MIAA Engineering Division ang rumaraket ng ‘kabit TV cable’ sa halagang P1K.

Ang mga kliyente umano ng mga taga-engineering  ay ang mga government offices sa arrival area ng NAIA Terminal 1 o posible din binibiktima rin ang iba pang international airport passenger terminals.

Kabilang sa mga naging biktima ng grupong “Cable Gang” ay ang Customs Arrival Passengers Services Office, Arrival Operations Division, Customs In-Bond, Customs Police at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Tumataginting na P5K na raw ang natangay ng ilang tulisan na Engineering man ng MIAA.

Samantala isinasammpay lang nila ang kable na nakahambalang sa ibabaw ng kisame ng arrival.

Anak ng tokwa!!!

May basbas kaya ito ng hepe ng Engineering Department ng MIAA?

Kilala kaya ng kaibigan nating si Engineer Padi Medalla kung sino ‘yan mga tulisan sa MIAA Engineering department?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *