Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, pinag-aagawan kahit ng mga kapwa artista

ni  ROLDAN CASTRO

PAGKATAPOS  ng Grand Comedy presscon ng ABS-CBN 2 ay tsinika namin ang star ng Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz.

Tinanong kung ano ang reaksiyon niya na gusto siyang maging leading man ni Jennylyn Mercado sa isang pelikula.

“Eh, alam mo ngayon, hindi na malayo ‘yan. Kasi ‘yung mga taga-GMA na ating kasama sa industriya, nakakagawa ng pelikula sa Star Cinema, si Marian (Rivera) at saka si Dingdong (Dantes). You know, ngayon nabibigyan na ng pagkakataon. So, nakatutuwa siyang isipin na hindi na siya imposibleng mangyari,” reaksiyon niya.

Anong reaksiyon niya na maraming aktres ang gusto siyang makasama, hindi lang si Jennylyn?

“Siyempre, salamat, kung ganoon nga na gusto nila akong makatrabaho na hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil hindi ako mahirap katrabaho,” sambit pa niya.

Natawa rin si Lloydie na after niya makapareha ang ex ni Jennylyn na si Luis Manzano, puwede namang si Jen ang susunod niyang makapartner.

Talbog!

Michael at Prima Diva, hahataw sa The Library

HAHATAW naman ang Kilabot ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan sa back to back concert nila ni Prima Diva Billy ngayong February 12, 10:00 p.m. entitled Book of Love. Ang naturang pre-Valentine Concert ay gaganapin sa The Library, Metrowalk, Ortigas.

Guests sina Duncan Ramos, Luke Mejares, Paolo Santos, Chef Anton, Token Lizares, AJ Tamiza, at Le Chazz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …