DESMAYADO ang mga imbestigador sa Pasay City police nang ibasura ni Pasay City Assistant City Prosecutor Allan Mangabat ang kaso laban sa pito-kataong miyembro ng ‘TERMITE GANG’ na nagtangkang pasukin ang pawnshop sa pamamagitan ng pagpasok sa imburnal at paggawa ng daan patungo sa establisyemento.
Sa resolusyon ni Fiscal Maharbat ‘este’ Mangabat, mahina raw ang naging basehan ng pulisya sa pagsasampa ng mga kasong attempted robbery, malicious mischief at alarm and scandal kaya’t iniutos ang pagpapalaya sa naarestong mga suspek na sina Mark Campus, Florentino Manuel, Jr., magkapatid na Rodrigo at Rolando Yumul, Armando Leonardo, Jr., Marlito Segura, at Marlon Zafe.
Dahil mahina umano ang ebidensiya, ang naging kaso ng pitong no-toryus na kawatan ‘e “attempted trespassing.”
Anak ng tokwa!!!
In short, nakapagpiyansa ang mga kawatan at malamang ‘e hindi na magpakita ang mga ‘yan sa piskalya.
At ang pinakamalaking posibilidad ‘e ipagpatuloy nila ang operasyon nila ng pangangawat sa pamamagitan ng pagsira sa kalsada at imburnal na pag-aari ng gobyerno.
Mantakin ninyo, ang linaw ng ebidensiya sa kasong malicious mischief (paninira ng propriedad ng ibang tao o ng gobyerno) pero mahina pa raw ‘yun?!
Kapag nagreklamo na raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) saka na lang daw iimbestigahan ulit ang kasong malicious mischief.
‘Yung alarm scandal naman daw, ‘e hindi naman pwedeng isampa dahil wala naman naistorbo dahil nasa loob nga ng imburnal.
Bwahahahahaha!!!
Kakaiba talaga ang piskalya sa Pasay. Dadaigin ninyo ang mga komedyante sa comedy bar!?
Kunsabagay, ano pa nga ba ang ipagtataka natin, ‘e ‘yung Chinese national nga na nanghabol ng saksak, nahulihan ng sandamakmak na baril at deadly weapon, meron pang sachet ng shabu ‘e nakuha pang bigyan ng piyansa.
‘Yan pa kaya, na mismong si Fiscal Maharbat ‘este mali’ Mangabat na ang nagbigay ng ‘MGA RASON’ para maging ‘attempted trespassing’ lang ang kaso.
SONABAGAN!
Justice Secretary Madam Leila De Lima, pakibusisi lang po ang piskalya ninyo sa Pasay City, kawawa naman ang mga naagrabyado dahil sa ganyang klaseng pagdedesisyon nila.
Lalo na ‘yung piskal na sugapa sa Resorts World casino at Midas casino.
Naku ‘e mukhang babahiran ng batik ng piskalya sa Pasay City ang karera mo sa DoJ, Madam Leila.
Tsk tsk tsk …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com