Binulabog ng bomb threat ang Ateneo De Manila University, sa Loyola Heights, Quezon City, Miyerkoles ng umaga.
Pasado alas-12:00 nang ibalita ng opisyal na pahayagan ng unibersidad na The Guidon sa kanilang Twitter account ang suspensyon ng klase at opisina dahil sa nasabing banta.
Sa pahayag ni President Jose Ramon T. Villarin, SJ, agad sinuspinde ng pamunuan ng eskwelahan ang klase alas-12:00 ng tanghali matapos makatanggap ng banta noong umaga.
“We advise all units on the Loyola Heights campus to execute evacuation procedures similar to fire drills. Everyone is asked to go home,” anunsyo nito.
Ayon kay ADMU Public Relations Office head Sonia Araneta, nag-ugat ang banta sa kahina-hinalang text message sa ilang empleyado ng unibersidad, dakong 9:00 ng umaga, dahilan para ilapit ito sa awtoridad.