Monday , December 23 2024

Sa pagbabalik ni Wally, mas marami ang nasiyahan!

ni Ed de Leon

MARAMI ang natuwa sa hindi inaasahang pagbabalik ng komedyanteng si Wally Bayola sa Eat Bulaga. Noon ngang bigla siyang lumitaw sa show para batiin ang partner na si Jose Manalo na nagdiriwang ng  birthday, hindi lang yata tatlong tao ang tumawag sa amin sa cellphone, tinatanong kami kung nanonood kami ng Eat Bulaga, at sinabihan kaming magbukas ng TV dahil naroroon na si Wally.

Naisip nga namin, kung ang mga taong kagaya nila ay masyadong excited sa pagbabalik ni Wally sa noontime show, palagay namin ganoon din naman ang naramdaman ng iba. Hindi na dapat pang ungkatin kung ano ang dahilan at napilitang magbakasyon si Wally, dahil kung ano man iyon ay hindi na nga mahalaga ngayon sa mga tao dahil sa ngayon happy na sila sa pagbabalik ng paborito nilang komedyante, at doon sa statement ng Eat Bulaga na babalik na nga iyon sa kanilang show.

Okey pa rin naman ang ratings ng Eat Bulaga, pero hindi maikakaila na parang pilay ang kanilang pagpapatawa noong mawala si Wally. Okey naman si Paolo Ballesteros. Buti nga ngayon at mas nagiging kalog na siya, mas nabibiro na siya. Hindi na siya iyong kagaya noong dati na halata mong naiilang pa kung nabibiro. Pero mas matindi ang kanilang portion na iyon noong nandoon si Wally. Hindi natin maikakaila na talagang may sarili ring idea si Wally sa comedy, at nasasakyan naman iyon nang husto ng kanyang ka-tandem na si Jose. Ganoon din naman ang nangyari noong si Jose ang magkaroon ng problema at mawala sandali. Nakakaya pero parang kulang din kung walang ka-tandem si Wally.

Ngayong nakabalik na si Wally, mas magiging masaya nga siguro ang kanilang remote portion, meaning mas marami pa ang manonood sa kanila.

Lahat naman halos nagiging biktima ng masamang publisidad. Maski nga sina Tito,Vic and Joey, nagdaan din sa mga ganyang intriga noong araw. Kaya kung ano man ang nangyari, huwag na nating pansinin iyon. Ang importante marami ang nasisiyahan ngayong nakabalik na si Wally.

MMFF, mas titino kung taga-industriya ang magpapalakad

HINDI maikakaila na medyo disappointed si Atty. Ariel Inton, dahil may mga leader ang industriya ng pelikulang filipino na tila hadlang pa sa kanilang ipinaglalaban na makuha ng industriya ang bahagi niyon sa proceeds ng Metro Manila Film Festival na dapat sana nilang matanggap, pero naiipit nga sa hindi malamang dahilan sa MMDA.

Sinabi naman kahit sa report ng COA na may mga proceed na hindi naibibigay ng MMDA sa mga legal na beneficiaries, at iyon lang naman ang hinahabol nila.

May mga leader din daw ang industriya na nagsasabing hayaan na ang festival kung ano man ang status niyon ngayon, kaysa pilitin pang ibalik sa industriya, dahil siguro natatakot silang baka sa kanila bumagsak ang trabaho. Pero tama si Atty. Inton eh. Mas mapatitino iyang film festival kung ang magpapatakbo niyan ay mga tao ng industriya ng pelikula mismo kaysa mga politiko.

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *