Monday , December 23 2024

Pro-corruption ba ang UNA ni Binay?

NAGBUBUNYI ang publiko sa paglutang at pag-amin ng socialite na si Ruby Tuason na siya mismo ang nag-deliver ng milyon-milyong pisong kickback nina Sens. Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada mula kay Janet Lim-Napoles  sa P10-B pork barrel scam.

Si Tuason ang inaasahan ni Juan dela Cruz na magtutuldok sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, nguni’t hindi ito ikinatuwa ni Vice President Jejomar Binay at tinawag pang “dud” o palpak ang testimonya ng socialite.

Kesyo hindi raw  si Tuason ang makagigiba sa mga kaalyado niya sa United Nationalist Alliance (UNA) na sina Estrada at Enrile, pero huwag na tayong magtaka dahil simula pa naman ay talagang lihis na sa anti-corruption campaign ng administrasyong Aquino si Binay.

Bakit kaya kahit sa loob at labas ng bansa ay kinondena si Napoles nguni’t nanatiling tahimik ang Vice President? Ito kaya’y dahil  parehong may mataas na posisyon sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity sina Binay at si Jimmy Napoles, na mister ni Janet?

Dumapo rin kaya ang mga milyones ng mga Napoles sa campaign kitty ni Binay noong 2010 elections o nakinabang rin siya sa mga bogus NGOs bago siya naging Vice President, tulad ng ibang politiko?

Hindi ba kasama sa adbokasiya ng Bise-Presidente ang labanan ang katiwalian sa pamahalaan, sanhi ng mismong yaman niya at kanyang mga kaalyado ay nakalulula ang paglago mula nang pumasok sila sa politika?

Paano ba naman aakma sa panlasa ng Bise-Presidente ang kampanya kontra-katiwalian ni PNoy, e nagresulta ito sa pagkawala ng daan-daang milyong pork barrel ng pamilyang Binay.

Sa isang iglap ay naglaho ang P200 milyon pork barrel ng Vice President, P200 milyon ng kanyang anak na si Sen.Nancy Binay at P70 milyon ni Abigail Binay bilang kongresista ng Makati City, na sa kabuuan ay P470 milyon isang taon.

Ang mapalad na lang sa kanilang angkan ay si Makati City Mayor Jun-jun Binay na may internal revenue allotment (IRA) na mahigit P700 milyon.

Kung hindi nabura ang pork barrel, ang pera ng bayan na kontrolado ng mag-aamang Binay ay 1.178 bilyon isang taon o halos P100 milyon kada buwan o P3.3 milyon isang araw.

Ang isang ordinaryong manggagawa ay kailangan kumayod ng 18 taon at walong buwan na walang gagastusin para kumita ng P3.3 milyon, kaya nga hindi natin maintindihan kung bakit may mga naniniwala pa rin na maka-masa ang mga Binay at mga taga-UNA.

“MA’AM LERMA” IDINEPENSA NG UNA

MAGING ang ikinokonsiderang ‘Janet Lim – Napoles’ ng hudikatura o court fixer na si Arlene Lerma Angeles o mas bantog bilang “Ma’am Arlene” ay idinepensa rin ni UNA Spokesman Toby Tiangco nang kumilos ang Supreme Court para imbestigahan.

Hindi na nga pinuri ang pagpupurga sa hanay ng hudikatura, binansagan pa ni Tiangco na blackmail daw sa Korte Suprema o panggigipit ng Palasyo sa mga hukom ng Supreme Court ang pagsisiyasat sa illegal activities ni Ma’am Arlene, para ideklarang legal ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Natatakot ba ang mga taga-UNA na maaaring mabusisi na naging benepisaryo rin sila ng mga ‘nilutong’ kaso ni Ma’am Arlene kaya nagsisilbi silang tagapagtanggol nito?

Kung ang takbo ng utak ni Binay at mga kampon niya sa UNA ay ipagtanggol ang mga sangkot sa korupsiyon, lalo tayong nagkaroon ng dahilan na papanagutin sila sa batas at huwag nang bigyan ng puwang sa gobyerno habambuhay.

‘BATA’ NI FG ARROYO, MISSING LINK SA P900-M MALAMPAYA FUND SCAM

UNTI-UNTI nang lumilinaw ang kaugnayan ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa P900-M Malampaya fund scam nang idiga ni Tuason na ang kobrador ng daan-daang milyon ng pondo ay isang Atty. Jesus I. Santos.

Batid ng publiko na si Santos ang abogado ni FG at naging kontrobersiyal ang pagkobra niya ng advance ng dalawang taon na sahod bilang miyembro ng board of trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) noong rehimeng Arroyo.

Si Santos rin ang sinampahan ng P12.32 milyong tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil hindi niya idineklara ang wastong kita niya sa GSIS sa loob ng tatlong taon (2006-2009).

Kung may sikmura si Santos na ipagkaila ang tunay niyang kita sa gobyerno, aba’y kapani-paniwala na may kakayahan siyang pumapel na ‘kobrador’ ni FG sa illegal na paggasta ng Malampaya fund.

Buti na lang, mula’t sapol ay hindi nagpaloko kay Santos ang mga Bulakeño na ilang beses kumandidato sa Bulacan pero laging talo.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *