Monday , December 23 2024

Pasay City 300-hectare reclamation project hindi aprubado ng PRA

00 Bulabugin JSY

KAHAPON lumabas ang paid advertisement ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na nagliinaw na kinalsuhan ‘este’  hindi nila inaprubahan ang 300-hectare reclamation project sa Pasay City.

Inilinaw ito ng PRA dahil mula pa noong Disyembre 2013 ay ipinamamarali na ng Pasay City government na ipatutupad na nila ang nasabing reclamation project partners with SM Land Inc., (SMLI).

Kaya naobligang maglinaw ang PRA na hindi pa aprubado ang nasabing reclamation project.

Anila, ang bidding process ay para pa lamang sa pagpili kung anong kompanya ang makaka-partner ng Pasay City government.

Ang pag-aapruba sa reclamation project ay nasa kapangyarihan ng Philippine President at hindi pa umano ito naia-award sa Pasay City at sa SMLI.

Hinayaan din umano ng PRA na humingi muna ng legal at validating opinion ang Pasay City local government mula sa Department of Justice (DoJ) at sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Hindi naman umano ito regular requirement pero hiningi na rin nilang rekesitos dahil sa dami ng isyu na inihain ng mga kumukuwestiyon sa nasabing proyekto.

Sakali man umanong magbigay ng legal opinion ang DoJ at DILG na pabor sa Pasay saka pa lamang magsisimula ang proseso.

At ito ay dadaan sa five-stage approval process ng PRA gaya ng technical evaluation at pagsang-ayon mula sa National Economic and Development Authority  (NEDA) Board. Saka pa lamang papasok sa competitive bidding process at ‘yan ay malinaw na isinasaad sa Executive Order No. 146.

Sonabagan!!!

Ang ingay-ingay ng administrasyon ni Pasay City Mayor Antonino Calixto tungkol sa proyektong ‘yan ‘e wala naman pala sa kanila ang ‘BOLA.’

Lalo raw tuloy sumasakit ang ulo ngayon ni Yorme Tony.

Ang tanong Mayor To-Calix, wala bang nakakuha ng  ‘ADVANCE o SOP’ sa mga tuta ‘este’ bata mo sa proyektong ‘yan?

‘Yun tatlong B as in B-etlog na sina alias Boyet d bagman, Bing ‘tua chat’ Lintekson  at Bong Sira-ulo-no,  namantikaan na kaya agad sa deal na ‘yan!?

‘Yun balitang pampadulas na inihatag daw sa mga bumaligtad na Konsuhol ‘este’ Konsehal, isoli pa kaya?

Ibig sabihin, kung nakakuha na sila ng advance, ‘e mayroon na silang commitment sa SMLI?!

E paano na ‘yan?

Nasa kapangyarihan pala ng NEDA na pinamumunuan ng Philippine President ang desisyon d’yan?!

Tsk tsk tsk …

Inaalat ka ‘ata talaga Mayor Calixto!

Hindi ka kasi naghahasik ng GOOD KARMA … ‘yan tuloy … what goes around, comes around.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *