Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily Monteverde matindi ang bilib kay Carla Abellana (Sana hwag naman mag-flop ang mga pelikula!)

Siguro dahil sa sobrang busy ngayon ni Marian Rivera ay kay Carla Abellana na nagko-concentrate si Mother Lily Monteverde. Obyus na favorite ngayon ni madera si Carla dahil tatlong movie projects ang ibinigay nang sabay-sabay sa Kapuso actress. Sa isang movie leading man ni Carla ang nakasama noon sa My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez. Tapos may horror movie pa at isang sexy drama movie na ang co-star ni Carla ay magagandang co-actresses. Well, sana hindi talaga nagkamali ang regal matriach sa pagbi-build up kay Carla lalo pa’t hindi naman talaga maituturing na siya ay bankable star.

We hope na bumalik naman ang lahat ng puhunan ng Chinese produ at huwag naman mag-flop ang mga nabanggit na pelikula ng nega pa namang actress. Period at isa pang period at walang comma gyud!

“KAW LAMANG” FULL TRAILER, MAPAPANOOD NA NGAYONG VALENTINE’S DAY!

Ang full trailer ng tinaguriang Master Drama Series ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang ay mapapanood na ngayong Friday sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ito ay ang Valentine treat ng ABS-CBN at Dreamscape para sa mga loyal Kapamil-ya. Ang “Ikaw Lamang” ay pinag-uusapang “once in a lifetime TV event” dahil sa pagsasama ng Prinsesa at Hari ng Teleserye na sina Kim Chiu at Coco Martin. Kasama rin dito sina Julia Montes at Jake Cuenca. Isang “timeless love story” nina Samuel at Isabelle ang  Ikaw Lamang. Kasama rin sa cast ang mga batikang aktor na sina John Estrada, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez at ang mga award winning actresses Cherry Pie Picache, Cherie Gil, Angel Aquino at Daria Ramirez. Hindi mapasusubalian ang husay ng child actors na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Alyanna Angeles at Louise Abuel. Sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco, nakatakdang ipalabas ang Ikaw Lamang ngayong Marso sa Primetime Bida.

Post-Valentine Concert Nina Michael Pangilinan At Prima Diva Billy Mapapanood Tonight Sa The Library

Sa mga maaagang date para sa Valentine’s day ganoon na rin sa mga miyembro ng walang Valentine’s Day. Tonight, February 12 sa The Library, Metrowalk Pasig ay hayaan ninyong pasayahin kayo ng Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan kasama ang stand-out sa pagiging biritera na si Prima Diva Billy sa kanilang back to back Post Valentine  Concert na may titulong “The Book of Love.” Tiyak na kung in-love na kayo ay lalo pa kayong mapapaibig sa mga line-up of songs na aawitin ni Michael sa inyo tulad ng Daylight ng Maroons 5 at Let Me Be, na isang revival at pinasikat ni Jimmy Bondoc.

Kakantahin rin siyempre ng nasabing Young Concert Hearthrob ang ilan sa cuts ng kanyang album kabilang ang hit na hit ngayon sa airwaves na Kung Sakali Man, popularized by Pabs Dadivas. Pagdating sa concert scene ay hanep ang performance nina Michael at Prima DivaBilly. At walang tigil ang awitan at katatawanan sa The Book of Love, kasama ang mga special guest sa nasabing concert na sina Luke Mejares, Duncan Ramos at ang kilalang Acoustic Singer na si Paolo Santos. Ka-join rin ang mga sikat na stand-up comedians na sina Chef Anton, AJ Tamaze at Le Chazz. Part rin ng show ang nagbabalik sa recording scene na si Token Lizares. Mabibili ang tickets sa mismong venue at para maganda ang upuan o puwesto ay agahan ang pagpunta sa The Library.

By the way, mabibili pa rin sa record bars nationwide ang CD Lite Album ni Michael under Star Records na so far ay bongga ang sales.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …