Friday , November 15 2024

Junket ng Solaire Casino matagal nang ginagamit sa money laundering ng notorious na mga Koreano at Chinese!?

00 Bulabugin JSY
ISANG Hong Kong national ang naaresto ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagdadala ng hindi deklaradong cash na nagkakahalaga ng HK$6 milyones.

Ang nasabing Hong Kong dollars ay nagkakahalaga sa Philippine peso ng P34,806,411.

Ayon kay Willie Tolentino, Customs Enforcement and Security Service director, si Xi Lok Lee, nabistong may dala ng nasabing halaga, ay kilalang bigtime player sa Solaire casino.

Nang dumating si Xi Lok Lee ay may nakaabang nang representative ng Solaire casino para sunduin at i-escort siya.

‘Yung nga lang nasilat, dahil nabisto ni Director Tolentino ang dala niyang kwarta.

Nang ibigay ang dokumento nagkaroon na siya ng suspetsa na mayroon dala-dalang ilegal na bagay ‘yung Hong Kong national.

Kaya nang buksan ‘yung bag, nakita agad ang dala-dalang pera na hindi deklarado.

Malinaw na paglabag iyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 308 … “Any person who brings into or out of the Philippines foreign currency in excess of US$10,000 or its equivalent is required to declare the same in writing and to furnish information on the source and purpose of the transport of such currency.”

Bukod po sa paglabag na ‘yan sa BSP Circular No. 308, dapat din tutukan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktibidad ng mga dayuhan na ‘yan, lalo ng mga notorious na Chinese at Korean national na nakasisilip ng pagkakataon para rito gawin ang kanilang ‘money laundering’ sa mga casino.

Malinaw din na ang kanilang money laundering ay kanilang ginagawa sa mga Casino gaya nga d’yan sa Solaire at Resorts World.

Nabulgar din ang modus-operandi ng Solaire at Resorts World Casino na magpapadala kuno ng kanilang represenatative o liason officer na sasalubong umano ng kanilang VIP player sa NAIA para makalusot sa Customs ang dala-dala nilang malaking pera.

Ang dala nilang kwarta ay ipinauutang sa mga player kaya naman sure ang panalo at paglago nito.

Pagbalik nila sa kanilang bansa, ang ipinasok nilang kwarta sa Philippines my Philippines ay tumubo na nang limpak-limpak.

Ganyan lang po kabilis nalulusutan ng mga money launderer ang mga awtoridad sa ating bansa.

Pero hindi sila nakalusot kay Director Tolentino.

Anyway, kung mayroon tayong mga law enforcer na gaya ni Director Tolentino at Customs NAIA at kung magtatrabaho nang husto ang BIR, malaki ang tsansa na mabawasan kung hindi man mawakasan ang nagaganap na money laundering sa mga pangunahing Casino sa bansa.

Simpleng-simple lang po ‘yan BIR Commissioner KIM HENARES kung gusto nating arestuhin ang mga problemang ito.

Sudsurin lang po ninyo ang junket ng Solaire, t’yak matitisod ninyo ang mga ilegalistang dayuhan na karamihan ay mga Chinese national mula Hong Kong at mainland China, ganoon din ang mga Koreano.

Karamihan po sa kanila ay miyembro rin ng sindikato gaya ng HK Triad at Korean Mafia. Kaya nga kailangan nilang ‘labahan’ ang ‘marurumi’ nilang kwarta.

At ang pangunahing nabibiktima ng kanilang money laundering ay ang ekonomiya ng ating bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *