DAPAT ipakita ang puso sa gitna ng matinding laban.
Ito ang payong binitiwan ng Living Legend ng PBA na si Robert “Sonny” Jaworski sa tropa ng Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA World Cup sa Espanya ngayong Agosto.
Ilang beses na nagsilbi si Jaworski bilang miyembro ng pambansang koponan ng basketball, kabilang na rito ang kanyang pagiging miyembro ng RP team na nagkampeon sa Asian Basketball Confederation (ABC) Championships noong 1973.
Sumabak din si Jaworski sa RP team sa 1968 at 1972 Olympics at ang 1974 FIBA World Championships.
Ilang beses na nanood si Jaworski ng mga laro ng Gilas sa FIBA Asia Championships sa Mall of Asia Arena noong isang taon kung saan umabot ang mga Pinoy sa ikalawang puwesto at makapasok sa World Cup.
Kasama ang Gilas sa Group B sa FIBA Asia na kinabibilangan din ng Argentina, Croatia, Puerto Rico, Senegal at Greece.
Malabo nang makasama sa tropa ni coach Chot Reyes si JaVale McGee bilang naturalized na manlalaro dulot ng kanyang pilay sa paa.
Bukod sa FIBA World Cup, nagbigay din ng payo si Jaworski sa Gilas para sa Asian Games sa Incheon, Korea, sa Setyembre.
(James Ty III)