Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmela ni Marian, laging butata sa Got to Believe (Kaya raw laging mainit ang ulo…)

 ni Reggee Bonoan

MARIAN Rivera strikes again! May isa na naman daw tinarayan ang GMA talent sa isang event kamakailan.

Pinag-uusapan ngayon sa production ng GMA-7 ang ginawang pananaray ni Marian sa isang TV crew nang ma-interview siya sa isang event na dinaluhan niya kamakailan kasama ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Kuwento sa amin ng taga-GMA, “ini-interview si Marian, siyempre kumustahan, update tsikahan tapos para ma-promote ang serye ni Marian, tinanong kung okay lang ba kay Dingdong ang mga eksena nila ni Alden Richards o kailangang ipaalam pa lahat ni Marian ‘yung mga kilig moment nila?

“Nagulat ‘yung nagtanong at ‘yung cameraman kasi biglang sumigaw si Marian ng, ‘bastos ka’ sabay talikod, at nakunan ‘yun ng camera kasi on rolling, eh.

“Tapos ang masama, nagsabi  pa raw si Marian na magsusumbong siya sa management kasi binastos siya.

“Ano ba ang pambabatos doon? Tinanong lang naman kung okay lang kay Dingdong ‘yung kilig moments nila ni Alden? At maski i-review ng management ang tape, makikitang walang masama sa tanong sa kanya. Tapos si Dingdong, pina-pacify na lang si Marian kasi mainit na ulo sa event.”

Oo nga naman, anong mali roon? Parang wala naman din kaming nakitang foul sa tanong ng crew?

Mukhang apektado yata si Marian sa pagkatalo nila sa Got To Believe sa ratings game ng serye niyang Carmela?

Bakit naman kasi itinapat ng GMA ang Carmela sa kilig-serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Heto nga at segu-segundo ay nagte-trending ang Got To Believe sa social media.

Mukhang hindi naman aktibo ang supporters ni Marian sa social media kaya hindi nagte-trending ang serye niya?

Anyway, nagbanta raw si Marian na isusumbong niya sa management ang ginawang pambabastos sa kanya ng crew kaya nakahandang ipapanood ang interview sa aktres para malaman kung ano ang totoong nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …