Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Book of Love at Heart Attack, tampok sa The Library

ni Pilar Mateo

NGAYONG dalawa na ang The Library ni Mamu (Andrew de Real) sa Malate at sa bagong bukas na sa Metrowalk in Ortigas, simultaneous na rin ang special shows na matutunghayan sa mga ito in celebration of Valentine’s Day!

Sa Malate, on February 12, matutunghayan ang Heart Attack featuring dancing hunk Zeus Collins at ang FHM (Fat Hot Mommas), dubbed as the sexiest and funniest show filled with love and laughter, hatid ng VFactor Events.

Who is Collins? Half-Filipino, half-Mexican, tall, dark, and handsome hip-hop and exotic dancer who has performed in various corporate and marketing events for the biggest brands in the nation. With a combination of a muscular physique, graceful dance moves, and back-breaking stunts, he has drawn comparisons to Hollywood’s Channing Tatum, who has starred in dance movies such as Step Up and Magic Mike.

Kinikilala siya as “God of the Dancefloor” and promises to heat up the upcoming show with daring numbers that will delight both girls and gays, and also men who love to dance.

Sigurado ring sasakit ang mga puso niyo sa katatawa sa talented threesome whomqill “throw their weight around” as they treat the couples and singles with soulful renditions of classic love songs.

For inquiries and reservations, you may text or call VFI Talent management with the following numbers: 09989701775, 09991805744, 09062974153.

Sa kabilang Library naman in Metrowalk, ang tandem nina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy with Luke Mejares at marami pang special guests on February 12 din, ang maghaharana samga dadalaw doon with their Book of Love!

So many V-day shows!

May date ka na ba?

Sunshine, never nagkaroon ng kissing o bed scene

WALA naman daw hiniling si Sunshine Dizon matapos niyang maikasal sa kanyang si Timo at biyayaan ng mga anak na sina Doreen at Antonio kundi ang mamuhay sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Pero the acting bug catches up on her at nagulat na nga lang tayo na sunod-sunod pa ang mga nasalangan niyang programa sa telebisyon.

And every now and then, may offers din sa kanya sa pelikula.

Gaya ng in-offer sa kanya ni Dennis Evangelista para maging artista ni direk Joel Lamangan sa Sitio Camcam na ikalima ng pelikulang ipo-prodyus ni Baby Go ng BG Productions.

Sa kuwentuhan namin kay Sunshine, tinanong ko siya kung sa papel niya bilang ikalawang misis ng karakter ni Allen Dizon eh, may kissing o bed scenes bang nakatoka sa kanya?

“Naku, wala po. Mula noon hanggang ngayon, hindi talaga ako sumalang sa mga eksenang kiss o bed. Nakatawid naman ako sa career ko na hindi ko talaga nagawa ang mga ‘yun sa tanang buhay ko bilang artista.”

Pwede naman pala!

And excited si Sunshine dahil parang reunion lang niya ito with direk Joel. Bukod kina Allen, Jean Garcia, Charee Pineda and Elizabeth Oropesa, maraming baguhang bagets ang kasali sa pelikula.

May isang matinding advice lang sa kanila si Sunshine pagdating sa pagsalang na nila sa ilalim ni direk Joel.

“Huwag kayong maging tanga! Pagdating niyo sa set, make sure nabasa niyong mabuti ang script, na-memorize ang linya niyo, basta be prepared and focused.”

Say naman ni direk Joel, maraming pagkakataon naman daw na may mga gustong mag-artista na rin siyang pinauwi na lang from the set at binigyan ng matinding payo.

“Sabi ko, para hindi masayang ang oras naming lahat, kung ang talent niya eh ang mag-waiter or magtinda sa sales o mas magandang ipagpatuloy muna ang pag-aaral para makatapos at maituloy ang kursong bagay sa kanya, sinasabi ko naman. At mayroon namang mga sumunod sa payo ko.”

Bongga ‘di ba? Sino-sino kaya sila?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …