Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong, inabsuwelto ni Tuason?

ni Nene Riego

AYON sa balita’y ang Justice Sec. Laila Delima ang nagpasundo sa kanyang mga tauhan kay Ruby Tuason na ex-Social Secretary ng noo’y presidenteng si Joseph “Erap” Estrada sa America.

State witness ngayon si Ms. Tuason na nasasangkot sa isang plunder case tungkol sa Pork Barrel at Malampaya Fund.

Ayon sa sworn statement ni Tuason, kaibigan nga niya si Mrs. Jenny Napoles at sa kanya iniabot ang komisyon sa mga government officials.  Pinagalanan niya sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile na dalawa sa personal niyang inabutan ng datung.

Malinaw na sa testimonya ng ginang ay absuwelto si Sen. Bong Revilla na kasama sa mga pinangalanan ng mga whistle blower.

Siyempre, nakahihinga na ng maluwag si Bong ngayon. Pati na ang asawang si Rep. Lani, Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, at Mayor Strike Revilla.

Ang tila susunod na sakit ng ulo ng pamilya Revilla ay ang nakahain pero ‘di pa aprubadong bill na Anti-Political Dynasty. Apat silang public servants ngayon.

Samantala, wala raw plano si Sen. Bong na lumabas ng bansa for two reasons. Una’y ang poor health condition ng amang ex-Sen. Ramon Revilla, Sr. . Ikalawa’y ang kaso ngang plunder sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ng mga puso ay idenedeyt niya si Rep. Lani abroad.

Tuloy naman ang teyping niya ng kanyang show sa GMA7. Kahit sana’y magbabakasyon siya bilang host ng programa’y ‘di siya pinayagan ng Kapuso Network dahil ‘di nawawala sa national over-all program survey ang naturang show.

Tuloy ang pag-feature ng mga kuwentong kagila-gilalas mula sa Stan Lee’s Superhuman Recods and KAS.

Abangan sa show ang tigasin at ‘di matalong shaolin master, isang ginoo na grabe ang kapit kaya ‘di nahuhulog kahit sa mataas na gusali, isang archer o magaling sa pana na wala pang nakatatalo at isang lalaking daig ang fire hydrant dahil galong tubig ang naiinom at namamalagi sa tiyan.

Huling Linggo na ito ng mag-ulat ni Stan Lee. Tutok lang next Sunday para malaman nating kung ano namang panoorin ang ihahatid ni Sen. Bong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …