Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Backroom deals sa BoC ibinulgar!

SA KABILA ng mainit na kampanya ng pamahalaan laban sa talamak na smuggling sa bakuran ng Bureau of Customs, katakatakang hindi natitinag ang bigtime smugglers sa pagpapalusot ng kanilang mga kargamento.

Habang nagsasagawa ang Senado ng pagdinig patungkol sa talamak na smuggling sa bansa, patuloy na namamayagpag ang mga dorobo at mandarambong sa Aduana.

Hindi alintana ng mga tarantadong nasa likod ng malawakang smuggling ang pagdinig na ginagawa ngSenate Committee on Agriculture and Food ni Chairman Cynthia Villar.

Isa rito ang tinaguriang BIG MAMA CASTILLO na gumamit umano ng 13 kompanya sa pagpapalusot ng kanyang mga kontrabando. Bukod kay BIG ‘BIM’ MAMA, andiyan pa rin ang DOSE PARES na sangkot din sa pagpaparating ng smuggled goods.

Sa taya ng 800-member Federation of Philippine Industries, mahigit P1.33 T ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa operasyon ng mga sindikatong ‘yan mula 2002 hanggang 2011.

Kabilang sa tinaguriang DOSE PARES ay sina TINA U PIDAL at Mr. T na kapwa patuloy sa kanilang operasyon sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Aquinoadministration laban sa smuggling.

Right connect umano sa isang maimpluwensiyang abogado diyan sa Palasyo ng Malacañang ang mga sindikato sa BoC kaya’t kahit anong gawin ng mga opisyal ng pamahalaan ay nauunahan at nalulusutan ng grupo. Siattorney PACK umano ang nagsisilbing main man ng smuggling operation sa Aduana sa panahon ng PNoy regime.

Ilan sa mga tarantadong miyembro ng Dose Pares ay sina KIMBERLY GAMBOA, JR TOLENTINO, ERIC YAP,JERRY TEVES, AYING, alyas BOCALIN, alyas TAGUPAat Manny Santos.

Nangunguna ang plastic resins at iba pang kontrabando ang ipinapasok sa pamamagitan ng TARA SYSTEM o direktang paglalagay sa mga corrupt na opisyal ng BoC.

Hindi pa rito kasali si DAVID TAN a.k.a. DAVIDSON BANGAYAN at iba pang DAVID TAN na may illegal na opisyo.

Lubha umanong napakalaki ng disparities kung ikokompara ang data ng Bureau of Customs sa records ng International Monetary Fund (IMF) na isang malaking patunay na ganoon kalaki ang nananakaw na taxes sa BoC sa pakikipagkontsabahan ng mga opisyal ng gobyerno sa smugglers.

Going back kay Attorney PACK, siya umano ang main conduit ng malalaking smugglers at players diyan sa Aduana sa Aquino administration.

Brilliant umano at tuso si Attorney sa kanyang pakikipag-deal sa mga dorobo dahil gumagamit ng maraming tao na pinasusuweldo rin ng pamahalaan.

Katwiran ng abogadong dorobo, madali na lamang i-deny ang kanyang mga bata-bata sakaling sumabit at palalabasing black propaganda lamang ito laban sa kanya at sa administrasyong Aquino ng mga kalaban sa politika.

Si Atty. PACK umano ay certified maniac at babaero. Lubha umanong napakasiba sa kuwarta at hindi pumapatol sa barya-baryang transaksyon.

Kung totoo ang mga impormasyong nakakalap natin, inutil na masasabi ang mga kagaya ni Commissioner Sunny Sevilla. Mistulang kuto lamang siya sa sirkulo ng mga taong nagpapaikot este nagpapagalaw ng gobyerno diyan sa Malacañang.

Umaasa lamang si Sevilla ayon pa sa ating source sa backing ni Finance Secretary Cesar Purosama estePurisima na kilalang kasapi ng pamosong HAYOP 10 esteHyatt 10 pala na ang talagang sinasandalan ay si Mar Roxas at hindi mismong si Pangulong Aquino.

Si Atty. PACK umano ay isa sa mga most trusted men niPNoy sa kanyang gabinete. Kahalubilo rin umano si Atty. Dorobo ng Pangulo maging sa R & R kung saan-saan lugar.

R & R as in rest and recreation.

Kasama na kaya sa R & R na sinasabi ang pag-iinuman at pambababae? Nagtatanong lamang po!

Kung ganito kalalim ang koneksyon ng smugglers sa R & R buddy ni Pangulong Aquino, e ano pa itong punyentang all out war daw versus smuggling?

Zarsuela o tele-novela? Pangulong Aquino, stop being too good to be true.

Iba ang sinasabi mo kaysa ginagawa ng iyong mga MAHAL NA ASO.

Kaya naman pala busog na busog si Attoney Aso (PACK) sa mga background dealings diyan sa Customs ay dahil dear buddy ng presidente ng bansa.

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “ target on air’ Monday / Friday  2-3 pm, mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …