Monday , December 23 2024

Tama si PNoy sa China; palpak naman kay Alcala

Aprubado sa nakararaming Pilipino ang pagpalag na ginawa ni Pangulong Noynoy Aquino sa bansang China.

Sobra-soba na kasi ang ginagawang pambubuli ng mga Intsik na ‘yan sa ating mga Pilipino lalo’t teritoryo at kasarinlan na ng bansa ang niyuyurakan ng mga ito.

Makailang beses na ba tayong binastos ng China at iyan ay malinaw sa ginawa nilang pana-nakop sa pamamagitan ng pagtatayo ng ilang estruktura sa nasasakupan ng teritoryo ni Juan dela Cruz.

Hindi na rin pinakikinggan ng gobyernong Intsik  ang anomang protesta ng bansa sa United Nations at maging ang International Law of the Sea ay kanila rin tahasang nilalapastangan.

Kung hindi nagsalita at pumalag si PNoy sa pambabastos ng mga Intsik ay malamang hindi tayo pag-uusapan ng international community at UN kaya’t naniniwala tayong tugma ang ginawang diskarte ng anak ni Tita Cory at Ninoy.

Panahon na para mag-ingay at pumalag sa China at iyan ay magagawa lang nating sa pag-iisyu ng mga salitang matatauhan hindi lamang ang China kung hindi ang liderato ng buong mundo.

Tiyak kong panimula pa lamang ang patutsadang ito ni PNoy sa China kaya’t tiyak na marami tayong aabangan dahil kilala ang ating pa-ngulo na matabil ang dila.

Sa maikling salita, marami pang darating na pang-iinsulto si PNoy sa mga Intsik at iyan ang dapat subaybayan ng UN at iba pang powerful na bansa dahil malinaw naman gusto lamang tumuldok ng China sa mundo upang sila ay katakutan.

***

Panahon na para sibakin ni PNoy si Agriculture Sec. Proceso Alcala.

Sangkatutak na rin naman ang nagagawang kapalpakan ng mamang taga-Quezon.

Magmula sa rice smuggling at rice overpricing ay malinaw na ka-sangkot si Alcala kaya’t napapanahon na upang kalusin ni PNoy.

Tuwid na daan ang palagiang binibigkas ni PNoy sa kanyang mga talumpati kaya’t marapat lamang niyang gawin ito dahil buhay ng bawat magsasaka at maging ng mga Pinoy ang pinahihirapan ng kalihim na dapat sana ay siyang unang may malasakit sa mga anak-pawis.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *