Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sobrang liyamadong karera at ang United Boxing gym sa Manila

“Small Capital Big Dividend” kasabihan ng mga mananaya sa karera ng kabayo. Pero iba ang nangyari sa resulta ng karera sa Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite noong nakaraang Sabado, Enero 8,2014.

Sobrang ang liliit na dibidendo ang ibinigay sa mga “Exotics Bets” matapos ang maghapong karera. Lahat na yata ay mga liyamadong kabayo ang nanalo sa bawat race na binitawan na naging resulta ng malilit na dibidendo.

Isang mananaya ang hindi alam ang gagawin ng kubrahin niya ang kanyang mga tinamaan taya sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 dahil TALO PA SIYA SA PUHUNAN sa kanyang mga tinamaan.

Bakit nangyayari ang ganitong resulta ng dibidendo dahil ba dominado ng mga liyamadong kabayo ang bawat race.

Dapat gawin balance ng mga handicapper ng tatlong karera ang mga tatakbong kabayo sa bawat race upang maging kapanapanabik sa Bayang Karerista ang araw ng karera.

MAULIT PA KAYA ANG GANITONG RESULTA NG KARERA? Nagtatanong lang Po !

Bagong boxing gym itinayo

UNITED BOXING GYM ang pinakabagong boxing gym na itinayo sa Manila para sa mga lalaki o babae na na gusto maging isang professional boxer.

Pag-aari ito ng isang successful businessman na si Ginoong Michael De Castro na tubong Batangas.

Itinayo ang United Boxing Gym ni Ginoong De Castro upang makatulong siya sa mga nais mag-ensayo na mga bagong boxer at professional boxer.

Sa kasalukuyang ay may walong professional boxer na nasa pangangalaga ng United Boxing Gym.

Sa Japan ay mayroon din United Boxing Gym na ang namamahala ay ang business partner ni Ginoong de Castro na si Ginoong Ryuta Kato ng Tokyo, Japan .

Itinayo ang United Boxing Tokyo & Manila  Gym upang ipromote ang boxing dito sa ating bansa at sa ibang bansa.

Ang United Boxing Tokyo & Manila Gym ay makikita sa San Pedro Street, Malate, Manila malapit sa kanto ng Julio Nakpil.

MABUHAY PO KAYONG GINOONG MICHAEL DE CASTRO AT GINOONG RYUTA KATO!

oOo

Inaangal na ng mga operator ng Lotto Outlets ang EXTREMA MACHINE dahil may mga diperensiya na ang mga ito.

Kailangan po ng AKSIYON dito Ms. Mitchie Ocampo ng Central Operation Department, PCSO On-line-Lottery.

AKSIYON! AKSIYON! AKSIYON!

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …