Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NLEX pinapaboran vs Big Chill

BAHAGYANG pinapaboran ang defending champion NLEX at Big Chill kontra magkahiwalay na kalaban sa simula ng best-of-three semifinal round ng PBA D-League Aspirants Cup ngayong hapon sa The Arena sa San Juan.

Maghaharap ang NLEX at Hog’s Breath Cafe sa ganap na 2 pm atmagtutuos naman ang Bog Chill at Blackwater spprts sa ganap na 4 pm.

Tinapos ng Road Warriors at Superchargers ang elims sa unang dalawangpuwesto kung kaya’t nakadiretso sila sa semifinals. Dumaan naman ang Hog’s BreathCafe at Blackwater Sports sa quarterfials.

Isang game lang angkinailangan ng Hog;s Breath Cafe upang idispatsa ang Cagayan Valley sa quarterfinals. Dahil pumang-anim sa elims ay kinailangan naman ng Blackwater sports na magwagi ng dalawangbeses sa thrird seed  Jumbo Plastic.

Hangad ng NLEX na makabawi sa Hog’s Breath Cafe na tumalo sa kanila, 83-78 noong Nobyembre 28.

Ang laban sa ito ay tila pagpapatuloy ng duwelo nina NLEX coachteodorico Fernandez III at Hog’s Breath Cafe coachCaloy Garcia  na nagharap sa Finals ng nakaraangNCAA basketball season.

Ang NLEX ay binubuo ng core ng NCAA champion San Beda red Lions na pinamumunuan nina Olaide Adeogun, Kyle Pascual, Rome dela Rosa, Art dela Cruz at Baser Amer.

Kabilang naman sa Hog;s Breath ang mga Letran Knight players na sina Kevin Racal, Jonathan  elorio, Jamal Gabawan at Ford Ruaya.

Ang Big Chill y nagwagi laban sa Blackwater Sports, 9-83 noong Nobyembre 12.  Kabilang sa inaasahan ni coach Robert Sison ang mga ex-pros na sina Riel Cervantes atKhasim Mirza na sinusuportahan nina Mar Villahermosa, Rodney Brondial, Janus Lozada at Brian heruela.

Nasa panig naman ng Blackwater Sports ni coach leo Isaac ang momentum dahil galing ang Elite sa apat na sunod na sudden death na panalo upang makarating sa semis.

Main men ni Isaac sina Allan Mangahas, Kevin Ferrer, Gio Ciriacruz, Narciso Llagas at Jericho Cruz.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …