Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Import ng San Mig excited maglaro sa PBA

INAMIN ng import ng San Mig Coffee na si James Mays na ganado na siyang maglaro sa Coffee Mixers para sa darating na PBA Commissioner’s Cup.

Ilang linggo lang ang tinagal ni Mays sa Pilipinas at kahit nasa semifinals pa ang koponan ngayong Philippine Cup, nagsimula na siyang mag-ensayo.

Nanonood din siya ng lahat ng mga laro ng San Mig kontra Barangay Ginebra San Miguel sa semis.

“I’ve seen a crowd as big as this, but I’ve never seen a crowd as crazy as this,” wika ni Mays sa panayam ng www.sports5.ph. “I started practicing with them and I’m getting more comfortable with what we’re doing day by day. This is a good team with a lot of good players. We have a good system and a great coach (Tim Cone). I’m aware that he’s one of the greatest ever.”

Si Cone mismo ang kumuha kay Mays habang naglalaro ang huli sa NBA D League sa Amerika.

Si Mays ay papalit kay Denzel Bowles na naglalaro ngayon sa Tsina.

Magsisimula ang Commissioner’s Cup sa unang linggo ng Marso.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …